Derek Ramsay slams netizen for being sexist: "Is it always the man to blame?"

by Jet Hitosis
Oct 16, 2019
Actor Derek Ramsay accuses one of his Twitter followers of being "sexist" after the netizen warned his girlfriend, actress Andrea Torres, against having a relationship with him.
PHOTO/S: @ramsayderek on Instagram

Kinastigo ni Derek Ramsay ang isa niyang Instagram follower na tumawag kay Andrea Torres bilang “one of them,” na kailangang ipagtanggol laban sa umano'y “not fair” na pagtrato ng aktor sa mga nagiging girlfriend nito.

Isa ang nagkomentong follower ni Derek sa nag-react sa ipinost niyang lumang litrato nila ni Andrea na magkasama sa gitna ng kalye sa Macau, kung saan makikitang yakap ng aktor ang aktres at hinahalikan sa labi.

Maraming followers ni Derek, 42, ang kinilig sa litrato—na ipinost nitong Martes, October 15—at hiniling na sana nga ay magkatuluyan na ang lead stars ng katatapos na GMA-7 teleseryeng The Better Woman.

Ilang babae na rin ang nakarelasyon ni Derek, na tumatagal ng ilang taon sa bawat relationship, kaya naman hiling ng fans ng Kapuso actor na si Andrea, 29, na nga ang makatuluyan niya.

Continue reading below ↓

A NETIZEN WARNS ANDREA

Gayunman, isang babaeng netizen ang nagbigay ng direktang mensahe ng mistulang warning kay Andrea, matapos bigyang-diin sa aktres na si Derek “will be single until he gets old.”

Komento ng netizen (published as is): “@andretorres ur just one of them. If u noticed he never settles down.

Continue reading below ↓

“He will be single forever until he gets old. And he will get every woman he wants.

“So we’re sorry ur the flavour of the whatever how much time he wants to keep u until he sees another one he likes.”

Continue reading below ↓

DEREK’S PAST AND PRESENT LOVES

Dalawang babaeng fans ni Derek ang kaagad na nagtanggol sa aktor, at sinabihan ang netizen na “Forgive the past!” at “why not be happy for them?”

Nilinaw ng netizen na “opinion” lang niya ang kanyang sinabi, na importante umano “especially us women are too naïve sometimes.”

Continue reading below ↓

Sagot naman ng isa sa mga nagtanggol kay Derek, hindi na dapat pang ungkatin ang nakaraan ng aktor, dahil nangyayari naman talaga na “we meet people who changes the dynamics of things.”

Ito raw marahil ang epekto ni Andrea sa aktor.

Kalaunan, inamin ng netizen na “disappointed” siya kay Derek, dahil sinusubaybayan niya ang aktor simula noong karelasyon pa nito si Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

Komento pa ng netizen: “He’s living his life. He seems happy.

“I don’t question that. But it’s not fair to women either.

“Well he treated them so well no doubt. No bad words.

“But it doesn’t work, it doesn’t. Right?

“What can we do?”


Iginiit naman ng fan na dumedepensa kay Derek, si Andrea na ang “yin to his yang,” at nagsabing sana ay ang aktres na nga ang “one who he can grow old with.”

Continue reading below ↓

Katuwiran naman ng netizen, ang kanyang “rational observation… didn’t mean to put them down or anything. It’s defending women.”

Continue reading below ↓

“IS IT ALWAYS THE MAN TO BLAME?”

Dito na sumagot si Derek, kung saan direkta niyang tinag ang netizen.

Reply ni Derek: “mam you talk like you know what happened in my relationships. I’ve been in only a few relationships that lasted many years.

“It’s sad that they ended but you seem to put all the blame on me.

“Learn to give respect and never assume.

“Your negativity isnt appreciated but ill respect your opinion. (heart emoji)”

Kaagad ding dinugtungan ni Derek ang kanyang komento upang kuwestiyunin ang pagtatanggol umano ng netizen sa mga babaeng nakakarelasyon ng aktor.

Tinawag din ng aktor ang netizen na “sexist.”

Isinulat ni Derek: “defending women?? You are such a sexist!

“How can you say you are defending women? You dont even know what happened in my relationships.

“Is it always the man to blame? Cant it be otherwise or nobody at all?”

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot ang netizen kay Derek.

LAST BREAKUP

Maaalalang huling linggo ng September 2019 nang aminin nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon, na matagal nang espekulasyon ng marami simula nang magkatrabaho sila sa The Better Woman.

June ngayong taon nang makumpirmang hiwalay na si Derek sa modelong si Joanne Villablanca matapos ang anim na taong pagsasama.

Continue reading below ↓

Dawit noon si Andrea sa breakup nina Derek at Joanne, dahil nang mga panahong iyon ay nasimulan na nila ng aktor ang taping ng The Better Woman, pero kapwa nila itinanggi ang isyu.

Bukod kina Joanne at Angelica, dati ring nakarelasyon ni Derek sina Cristine Reyes at Solenn Heussaff.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Derek Ramsay accuses one of his Twitter followers of being "sexist" after the netizen warned his girlfriend, actress Andrea Torres, against having a relationship with him.
PHOTO/S: @ramsayderek on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results