Yasmien Kurdi, nakapagpalaya ng isang preso dahil sa painting

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Oct 17, 2019
Dahil sa pagbili ni Yasmien Kurdi ng isang painting, makakalaya na ang presong si Maricris Estrada.
PHOTO/S: @yasmien_kurdi

Sa taping ng Beautiful Justice nitong Lunes, October 14, napansin ni Yasmien Kurdi ang mga naggagandahang painting sa BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) sa Tagaytay.

Ibinibenta ang mga painting na gawa ng mga PDL o Person Deprived of Liberty sa Tagaytay BJMP. Hindi lang ang ganda ng mga painting ang nag-udyok kay Yasmien na bumili ng artwork, kundi ang tulong na maibibigay nito.

Bawat painting kasi ay magsisilbing pambayad o piyansa ng PDL na puwede nang makalaya.

"Tsismisan Sa Umaga" ang pamagat ng painting na binili ni Yasmien.

"Nung binili ko 'to, meron akong isang napalaya. So, maganda siyang project," sabi ni Yasmien sa panayam ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" segment ng 24Oras.

Ideya ni Jail Senior Inspector Brian Villaester—ang warden ng Tagaytay BJMP—ang pagtuturo sa mga PDL ng pagpipinta.

"Sobrang tulong yun sa amin, kasi para siyempre, mabawasan din yung bilang ng mga PDL natin na nasa loob ng kulungan," sabi ni Warden Villaester.

Continue reading below ↓

Sa kanyang social media post, hinikayat ni Yasmien ang mga tao na bumili ng painting na gawa ng PDL sa Tagaytay BJMP para makatulong.

Tuwang-tuwa naman ang PDL na gumawa ng painting na binili ni Yasmien.

"Masayang-masaya po [ako], kasi na-appreciate ng isang celebrity yung gawa ko po," sabi ni Jason Bautista na siyang gumawa ng painting.

Continue reading below ↓

Ang babaeng PDL naman na nabigyan ng piyansa dahil sa ginawa ni Yasmien, hindi napigilang maging emosyunal.

"Ah, sa 'yo po, Ma'am, 'tsaka kay Warden, thank you, kasi kayo ang pinakamalaking blessing na dumating sa akin ngayong magpa-Pasko't Bagong Taon, makakasama ko ang anak ko. Thank you po," naiiyak na nasambit ng lalayang PDL na si Maricris Estrada.

Para sa mga interesado sa mga painting na gawa ng mga BJMP Tagaytay PDL magkakaroon ng one-month exhibit ng paintings sa Coreon Gate sa Bel-Air, Makati, na magsisimula sa Oct. 22, 3pm.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa pagbili ni Yasmien Kurdi ng isang painting, makakalaya na ang presong si Maricris Estrada.
PHOTO/S: @yasmien_kurdi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results