Thai billionaire trans woman clarifies real score with Clint Bondad

by Bernie V. Franco
Oct 17, 2019
Thai billionaire trans woman Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip answers netizens who asked if she and Kapuso actor Clint Bondad are in a relationship.
PHOTO/S: @annejkn.official

Ano ang tunay na relasyon ni Clint Bondad sa Thai billionaire trans woman na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip?

Ito ang tanong ng mga netizen nang i-post ng 25-year-old Filipino-German model-actor ang larawan nila ng kilalang 40-year-old Thai businesswoman sa Instagram nitong Sabado, October 12.

Kilala rin si Clint bilang dating boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Noong February 2019 ay kinumpirma ni Catriona na hiwalay na sila ni Clint pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Nitong weekend ay ni-repost ng Thai businesswoman ang larawan nila ni Clint sa kanyang Instagram account.

Sa pagsilip sa Instagram account ni Anne, may iba pa siyang posts na mga larawan kasama si Clint.

Sa caption, binanggit ni Anne na pumunta si Clint sa Thailand kamakailan.

Continue reading below ↓

Sa isa pang caption, pinasalamatan ni Anne si Clint sa pagtanggap nito sa kanya.

Mensahe ni Anne: "Thank you for accepting who I am. [kiss emojis] You are the great gentleman, my dear."

Sa previous posts, may mga larawan din si Anne kasama ang iba pang Kapuso stars kagaya nina Alden Richards, Dennis Trillo, Ken Chan, Derrick Monasterio, at Heart Evangelista.

Continue reading below ↓

ANNE ON REAL SCORE WITH CLINT

Sa pag-repost ni Anne ng larawan nila ni Clint, may mga netizen na nag-usisa at tinukso siyang may namamagitan sa kanila ng hunky Filipino-German model-actor.

Gayunpaman, nilinaw ng Thai businesswoman na nakababatang kapatid lang ang turing niya kay Clint.

Sinabi rin ni Anne na mayroon siyang boyfriend, at hindi iyon si Clint.

Continue reading below ↓

Aniya pa, “forever brother sister” sila ni Clint at hindi raw niya type ang Kapuso actor.

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Anne ang isang netizen na sinabing siguradong pag-uuspan ang larawan nila ni Clint at aakusahang ang binata na pineperahan lang siya nito.

Pero giit ni Anne, hanggang kapatid lang ang tingin niya kay Clint.

Continue reading below ↓

WHO IS ANNE JAKRAJUTATIP?

Si Anne ay ang chief executive officer ng JKN Global Media, isang Thai content provider na nakikipag-partner sa iba’t ibang TV networks sa ibang bansa para maipalabas ang kanilang mga programa sa Thailand.

Ang JKN Global media ay may partnership sa TV networks sa Pilipinas, kagaya ng ABS-CBN at GMA Network, upang maipalabas ang Filipino shows sa Thailand.

Si Anne ang kauna-unahang Thai at transgender woman na nabigyan ng Asia Media Woman of the Year sa Content Asia Summit 2019 sa Singapore, ayon sa artikulong lumabas sa website ng Bangkok Post.

Dahil sa kanyang business na nagta-tap ng international content, naging bilyonaryo si Anne.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai billionaire trans woman Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip answers netizens who asked if she and Kapuso actor Clint Bondad are in a relationship.
PHOTO/S: @annejkn.official
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results