Ate Gay clueless over cancelled Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions appearance

by Arniel C. Serato
Oct 17, 2019
Ate Gay on It's Showtime's decision to withdraw his appearance in Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions: "Bagamat patuloy lang po ang buhay na ang layunin ko lang ay magbigay aliw sa madlang people at lumaban.. uulitin ko po walang sinabing dahilan kundi Di na po ako isasalang"
PHOTO/S: Courtesy: Gil Aducal Morales on Facebook

Labis na ikinalungkot ni Ate Gay—Gil Morales sa totoong buhay—ang pagkakaudlot ng kanyang pagsalang sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Sumailalim na sa pictorial, media interview, at band rehearsal si Ate Gay, kasama ang iba pang celebrities na sasali sa celebrity edition ng singing contest ng Kapamilya noontime show, ngunit hanggang kahapon, October 16, hindi pa raw siya tinatawagan para sa schedule.

Continue reading below ↓

Balita pa ni Ate Gay sa kanyang Facebook friends: “Hanggang ngayon ako po ay nananalangin na masalang sa TNT tapos na ang pictorial interview at band rehearsal ko ....

"atat na po ako mang aliw ng madlang people.. kaya lang ni ho ni ha wala pa akong natatanggap na sched...

"Naghihintay-AteGay.”

Continue reading below ↓

Ilang oras ang lumipas, nag-post muli si Ate Gay ng update tungkol sa guesting niya sa noontime show ng ABS-CBN.

Dito na niya ibinahagi ang nakakalungkot na pangyayari na hindi raw niya inaasahan.

Lahad ni Ate Gay: “Nais ko lang po ibalita na hindi na po ako makakasalang sa TNT ..

"nakakalungkot man na ang management ay walang sinabing dahilan kung bakit ..

"salamat sa abala sa oras na masaya sana..

"bagamat patuloy lang po ang buhay na ang layunin ko lang ay magbigay aliw sa madlang people at lumaban..

"uulitin ko po walang sinabing dahilan kundi Di na po ako isasalang ...

"maraming salmat po!”

Continue reading below ↓

MANAGER SPEAKS UP FOR ATE GAY

To the rescue naman ang manager ni Ate Gay na si Freddie Bautista.

Kinuwestiyon ni Freddie ang desisyon ng produksiyon kung bakit ayaw nilang sabihin ang dahilan ng pagkakaitsapuwera ng singer-performer sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions."

Mensahe ni Freddie sa kanyang post kagabi rin: “Nakakalungkot lang na hindi na maisasalang sa Celebrity Edition ng Tawag ng Tanghalan si Ate Gay sa walang malinaw na dahilan.

“Ang sakin lang sana hindi na ininvite, hindi nakapag pictorial at hindi nai-plug.

“Kahit isipin ko na baka naman may Issue?

“Pero sa tingin ko wala naman, kasi nag guest host pa si Ate Gay Online sa Grand Finals ng TNT sa Aliw Theater last year at nakapag Minute to win it din naman sya this year.

“Ako nga nalulungkot kasi after the effort ng Artista ko Ano pa kaya ang pakiramdam mismo ng isang artista sa ganitong sitwasyon.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa talent manager, nag-post siya tungkol sa isyu dahil nais niyang protektahan ang kanyang alaga.

“Ayoko sanang mag Post baka kasi lumaki pa. kaso may mga nakakakilala din naman kay Ate Gay at nagtatanong kung kelan sya isasalang .

“Ano ang isasagot namin? At Bilang Talent Manager kailangan ko din naman protektahan ang Talent ko.

“Pero baka minsan ganon talaga ang buhay pag hindi sayo hindi talaga mapapapunta sayo kaya Move on nalang.”

Continue reading below ↓

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng text message sa Business Unit Head (BUH) ng It’s Showtime na si Peter Dizon upang hingin ang kanilang panig sa isyu.

Kaagad naming ilalathala ang kanilang sagot kapag natanggap na namin ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay on It's Showtime's decision to withdraw his appearance in Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions: "Bagamat patuloy lang po ang buhay na ang layunin ko lang ay magbigay aliw sa madlang people at lumaban.. uulitin ko po walang sinabing dahilan kundi Di na po ako isasalang"
PHOTO/S: Courtesy: Gil Aducal Morales on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results