Gretchen Barretto embraces mother Inday Barretto for the first time after six-year rift

by Rachelle Siazon
Oct 17, 2019
Gretchen Barretto is seen emotional in the arms of her mom Inday Barretto. Is this the beginning of a reconciliation between them?
PHOTO/S: @claubarretto Instagram

Sa kauna-unang pagkakataon, nasaksihan ang mahigpit na pagyakap sa isa't isa nina Gretchen Barretto at Inday Barretto matapos ang mahigit anim na taong alitan.

Naging emosyunal ang pagkikita ng mag-ina sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto, sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Si Miguel ay pumanaw noong Lunes, October 14.

Bandang 6 A.M. ngayong Huwebes, October 17, ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang video ng pagdating ni Gretchen sa burol ng kanilang ama.

GRETCHEN, MOM'S EMOTIONAL EMBRACE

Makikita sa video na nakaupo sa front pew ng chapel ang biyuda ni Miguel na si Inday.

Noong mga oras na iyon ay kausap ni Inday ang nakikiramay na si President Rodrigo Duterte, pero sabay na napatayo ang dalawa nang makitang dumating si Gretchen.

Unang nilapitan ni Gretchen ang Pangulo na humawak sa kamay at inalo-alo ang socialite-actress.

Bahagyang magulo ang kuha ng video, pero ilang sandali pa ay makikitang yumakap na si Gretchen kay Inday.

Continue reading below ↓

May 22 segundo ang tagal na makikitang nakayakap pa rin si Gretchen kay Inday hanggang sa naputol na ang video.

Sa may hindi kalayuan, sa bandang gilid ng chapel, makikitang nakatayo ang isa pang kapatid ni Gretchen na si Marjorie Barretto at tila may ineestimang mga ibang bumisita sa burol.

Continue reading below ↓

Napatingin si Marjorie sa madamdaming pagkikita nina Inday at Gretchen, pero hindi malinaw kung nagkaroon din ito ng pagkakataong makaharap si Gretchen.

Maliban kina Gretchen, Marjorie, at Claudine, ang iba pang mga anak nina Miguel at Inday sina Mito, Michelle, Jay-jay, at Gia.

BARRETTO FALLING-OUT

Malaking bagay ang positibong pagkikita nina Gretchen at Inday, dahil hindi kailang noong 2013 ay nakapagbitiw ang mga ito ng masasakit na salita laban sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Tinawag noon ni Inday na "LIAR" at "evil" si Gretchen.

Hindi rin nagpatinag si Gretchen at nanindigang ang ina umano ang sinungaling, "narcissistic," at "abusive."

Mula noon ay nagkasira at nawalan na ng komunikasyon ang mag-ina.

Sanga-sanga ito sa masalimuot na relasyon ng magkakapatid na Barretto.

Noong 2013, nagkaalitan din ang magkapatid na Gretchen at Claudine; pero nitong February 2019 ay nagkaayos ang mga ito.

Noon namang latter part of 2014 nagsimula ang "silent war" sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

Naging kontrobersiyal pa ang iringan nila sa social media nitong March 2019 at August 2019.

Pero tila unti-unting sumisilip ang pag-asang magkaisa ang kanilang pamilya ngayong nagkukrus na muli ang landas nila.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto is seen emotional in the arms of her mom Inday Barretto. Is this the beginning of a reconciliation between them?
PHOTO/S: @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results