Former That’s Entertainment member Charo Laude is Philippine representative to Mrs. Universe 2019

by Rommel Gonzales
Oct 17, 2019
Mrs. Universe Philippines Charo Laude on being a former member of That's Entertainment: "Sinabi ko po sa sarili ko iyan, ‘Magiging member ako ng That’s Entertainment pagdating ng panahon!’ And talagang ginawan ko ng paraan iyan, kahit wala akong kamag-anak dito sa Manila, talagang naglakas-loob po ako.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Charo Laude Instagram

Ang single mom na si Charo Laude ang representative ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa December sa Guangzhou, China.

The Who si Charo Laude?

Taong 1993 naging miyembro ng That’s Entertainment si Charo.

Ka-batch niya sa Monday group sina Glydel Mercado, Bunny Paras, at Angelica Jones.

Dalawang beses siyang nag-audition sa That’s Entertainment, ang defunct youth-oriented show ni German "Kuya Germs" Moreno sa GMA-7.

“Kasi, dream ko talagang mag-artista,” sabi ni Charo nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October 15, Martes, sa Simon’s Place Restobar.

“Number one fan po talaga ako ng That’s Entertainment noon, e.

"Sinabi ko po sa sarili ko iyan, ‘Magiging member ako ng That’s Entertainment pagdating ng panahon!’

“And talagang ginawan ko ng paraan iyan, kahit wala akong kamag-anak dito sa Manila, talagang naglakas-loob po ako.”

Apat na taon sa That’s Entertainment si Charo.

“Hanggang sa matapos ang That’s.”

January 6, 1986 nagsimulang umere sa GMA ang That’s Entertainment at nagtapos noong Mayo 3, 1996 makalipas ang sampung taon.

Continue reading below ↓

Habang nasa That’s ay nakagawa ng pelikula si Charo kasama si Sheila Ysrael.

“Supposedly, dapat magkakaroon ako ng launching movie ko, kaso hindi natuloy. Kasi, medyo sexy, hindi ako allowed.”

MRS. UNIVERSE PHILIPPINES 2019

Noong 1998 ay sumali si Charo sa Binibining Pilipinas.

Si Jewel Mae Lobaton ang naging Philippine representative that year sa Miss Universe.

Sasali rin sana si Charo sa Mutya ng Pilipinas noong 1999, pero nabuntis at nagpakasal na siya sa mister niyang ex-husband na niya ngayon.

Last year ginanap ang Mrs. Universe-Philippines kung saan napili si Charo na lumaban sa Mrs. Universe 2019.

Masaya si Charo sa latest pageant na sinalihan niya.

“Kasi, mas enjoy ako, itong pageant namin as a mom, kasi it’s not only a pageant na pagandahan, you know, paseksihan. Ito, mas more on mg advocacy.

“Marami kang mae-enlighten na mga tao because of that advocacy.”

“Opposing violence against women and children” ang advocacy ni Charo bilang Mrs. Universe.

Continue reading below ↓

Ano ang nais niyang gawin bilang advocate nito?

“Number one, yung awareness. Kasi, maraming kababaihan ngayon ang hindi alam ang mga dapat gawin kapag naa-abuse sila.

“Fight for their rights! Kasi, kailangang alam nila ang karapatan nila.

"So, andito kami, magsumbong sila sa amin para malaman nila na may kakampi sila, thru us sa Mrs. Universe.”

Kahit na sinong babae o bata na naa-aabuse ay maaaring puntahan si Charo o ang sinuman sa Mrs. Universe.

“Actually, may page kami, Mrs. Universe Philippines Finest Women.”

Sa naturang Facebook page ay maaaring magsumbong ang kahit na sinumang babae at batang naabuso.

Ang idolong beauty queen ni Charo ay si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Kasama si Charo sa pelikula ni Joaquin Domagaso, ang Jolly Spirit Squad.
Anak ni Manila City Mayor Isko Moreno si Joaquin.

Iisa ang manager nina Charo, Mayor Isko, at Joaquin—si Wowie Roxas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Universe Philippines Charo Laude on being a former member of That's Entertainment: "Sinabi ko po sa sarili ko iyan, ‘Magiging member ako ng That’s Entertainment pagdating ng panahon!’ And talagang ginawan ko ng paraan iyan, kahit wala akong kamag-anak dito sa Manila, talagang naglakas-loob po ako.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Charo Laude Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results