Fitness coach gets backlash for exposing alleged indecent proposal from actor Alex Diaz

by Arniel C. Serato
Oct 17, 2019
Netizens defend Alex Diaz (right) from accusations of online diet coach Miguel Chanco (left) that the actor messaged him twice on Instagram for an "indecent proposal."
PHOTO/S: Instagram

Usap-usapan sa social media ang Facebook post ng fitness at keto diet coach na si Miguel Lagman Chanco ngayong Huwebes ng tanghali, October 17.

Inakusahan ni Miguel ang Kapamilya actor na si Alex Diaz na nag-message diumano sa kanya ng “indecent proposal.”

Kuwento ng fitness coach sa kanyang Facebook post: “Actually hindi ko kilala itong tao na ito.

“2nd time na sya nag message ng ganyan.

“Nung una hinayaan ko lang kasi sayang lang sa oras pag pinatulan ang mga bastos.

“Kunwari magpapa online keto coach daw sya for fat loss then sabay banat ng ganyan.

“Pero second time na ito and ayoko ganyan tingin sa akin ng tao.

“It costs $0.00 to treat someone with respect.

“Kaming mga nasa Fitness Industry, nagtatrabaho kami ng maayos. We do our best para mag improve ang health and physique ng clients namin.

"Wag nyo gawin sa amin ang ayaw nyo gawin ng iba sa anak nyo, kapatid nyo or mga pinsan.”

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ni Miguel ang larawan at Instagram account ni Alex.

Sinamahan din niya ito ng screenshots ng usapan nila diumano sa direct messaging (DM) sa Instagram.

Sa unang screenshot ay nakalagay ang usapan nilang ganito:

“Alex: coach

“Miguel: Yes?

“Alex: between us do you accept indecent proposals

Continue reading below ↓

“Miguel: no baka sampalin kita ng pera.”

Sa pangalawang screenshot, ganito naman diumano ang naging takbo ng kanilang usapan:

“Alex: sorry man basag ako pasensya na

“Miguel: wala ka talaga respeto?”

Continue reading below ↓

Sa pangatlong screenshot, nakiusap diumano si Alex kay Miguel na burahin nito ang kanyang mensahe dahil makakasira raw ito sa kanyang career kapag lumabas ito sa publiko.

“Alex: hinahangaan ko lang fitness mo

“Alex: Pasensya na

“Alex: Coach my job is on the line. Trabaho ko po yung nakaslalay. Could you Please delete it. I am so sorry, ive learned my lesson.”

Continue reading below ↓

Matapos ang halos isang oras, binura ni Miguel ang kanyang post sa Facebook, pero nai-screenshot ito ng ilang netizens at ikinalat sa social media.

NETIZENS DEFEND ALEX

Kaugnay nito, dinepensahan naman ng ilang netizens si Alex laban kay Miguel.

Inungkat ng isang Jaylord Galvez ang mga lumang larawan ni Miguel kung saan kasama niya ang isang lalaki.

Kabilang na rito ang larawan kung saan nakahiga ang naka-topless na fitness coach.

Ayon sa kanila, karelasyon diumano ni Miguel ang kasama nito sa larawan.

Gumamit ng malalaswang salita ang netizen upang buweltahan ang fitness coach.


Continue reading below ↓

Ayon naman sa isang Michael Dalogdog, "For me, nothing wrong with offering or being offered w/ an indecent proposal as long as ndi bastos. Nasa sa tao yan how to react, accept or reject things like that

"E kung ako inofferan mo, e di sana walang ganitong issue! Charot semi not charot."

Continue reading below ↓

Narito ang ilan pang reaksiyon ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

AFTER BACKLASH, MIGUEL ISSUES STATEMENT

Pagkatapos ng ilang oras, naglabas ng dalawang maiksing videos si Miguel sa kanyang Facebook.

Ipinaliwanag niya rito na kliyente niya ang kanyang kasamang lalaki sa mga larawang lumabas.

Wala raw siyang dapat ipaliwanag dahil wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ngunit kailangan daw niyang ipagtanggol ang dating kliyente.

Continue reading below ↓

“Ika-clarify ko lang, yes ako nga yung nasa picture na kumakalat daw pero client ko siya, si Ron Francisco.

"And before ako maging online coach, isa akong personal trainer.

“Napapayat ko siya and dahil naging masaya siya kasi nag-lose siya ng weight, nilibre niya ako sa The Spa Promenade and may kasama kaming dalawang masahista.

“And I think wala namang masama kasi until now marami pa rin akong friends na gay, pero ang pinagkaiba nila is may respeto sila.

“And yung nangyari kasi kanina [pag-DM ni Alex sa kanya], pangalawang beses na niya sa akin mag-send ng ganun kahit sinabihan ko na siya before na hindi.”

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot si Alex sa kontrobersiyang may kinalaman sa pagkuwestiyon sa kanyang sexual orientation.

Noong Enero ngayong taon, naging laman din ng balita ang pagsasama nilang dalawa ni Tony Labrusca sa bakasyon nito sa Canada.

Parehong itinanggi nina Alex at Tony na may namamagitan sa kanila higit sa pagiging magkaibigam.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Alex Diaz sa kanyang Instagram account at kay Miguel Lagman sa kanyang Facebook account para sa kanilang pahayag o dagdag na pahayag ukol sa isyung ito.

Ngunit hindi pa kami nakatatanggap ng sagot mula sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens defend Alex Diaz (right) from accusations of online diet coach Miguel Chanco (left) that the actor messaged him twice on Instagram for an "indecent proposal."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results