Binibining Pilipinas 2019 queens mum about Samantha Lo's status

by Bernie V. Franco
Oct 17, 2019
Where is Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo? Her fellow beauty queens (right photo, L-R) Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong, Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Ramirez Saeed, and Binibining Pilipinas 2019 second runner-up Samantha Bernardo say that Samantha is "okay," but did not give further details.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Official Facebook

Hindi na ba makakasali ang Pilipinas sa Miss Grand International 2019 na gaganapin sa Caracas, Venezuela?

Ito ngayon ang malaking katanungan ng Filipino beauty pageant fans dahil wala ang kinatawan ng bansa na si Samantha Lo sa ginanap na welcome ceremony ng international pageant nitong Miyerkules, October 16, sa Venezuela.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naglalabas ng official statement ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) tungkol sa estado ng pagsali ni Samantha, na kinoronahang Bb. Pilipinas Grand International 2019 noong Hunyo.

IS SAM BACK IN THE COUNTRY?

Naging matipid naman ang sagot ng kapwa beauty queens ni Samantha tungkol sa pagkabigo nitong umabot sa sasalihang international pageant.

Umalis ng bansa si Samantha noong October 9, subalit mula noon ay hindi na siya nagbigay ng update.

Nabalitaan na lamang na nakabalik na ng Pilipinas si Samantha dahil mula sa Paris airport ay hindi na siya nakakuha ng flight papuntang Venezuela.

Ayon sa Venezuelan crown maker na si George Wittels, na staff member din ng Miss Grand International (MGI) organization ngayong taon, nagkaroon ng isyu sa passport at visa ni Samantha at pinauwi sa bansa.

Continue reading below ↓

SAM'S FELLOW BEAUTY QUEENS

Sa send-off party ni Bb. Pilipinas International 2019 Patricia Magtanong nitong Miyerkules, tinanong ang mga kapwa beauty queen ni Samantha tungkol sa kasalukuyang estado nito.

Matipid ang mga sagot nila kung makakasali pa ba si Sam sa Miss Grand International 2019.

Pero ang tiniyak nila ay maayos ang lagay ni Samantha.

“Well, actually, I don’t know really what happened, so let’s just wait for a statement.

“Kasi hindi ko rin alam,” pahayag ni Patricia sa video na in-upload sa YouTube ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori.

Dagdag niya, “She's okay, she’s okay po.”

Nakiusap naman ang matalik na kaibigan ni Samantha na si Resham Ramirez Saeed, Bb. Pilipinas Supranational 2019, na bigyan ng privacy ang kanyang kaibigan.

“Honestly, I know that she’s safe and, I think, if she was here, I know she wants me to say this— please respect her privacy, guys.

Continue reading below ↓

“Give her the time.

“She hasn’t posted. She hasn’t been keeping anyone updated.

“I think that’s a sign that we should be respecting her privacy.

“We should be more focused on supporting her whenever she’s ready and whenever things start kicking off.

“For now, there’s not much we can say because, really, there’s so little we know.

“So just support her.

“Just remember, she’s representing us, she’s representing Philippines.”

Pero hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa na makakaya pa ni Samantha na umabot sa pageant.

Pahayag ni Resham, “I hope she still competes.

"I hope that whatever it is in her heart she wants to do, that it ends up happening.

“I know Sam worked very hard for it.

“For me, we’re all just very happy that she’s safe.”

Continue reading below ↓

Sumang-ayon naman dito si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Aniya, “The least thing that we should do is to be there for her, be a friend to her.

“That’s what I want her to know.”

Sabi naman ni Samantha Bernardo, Binibining Pilipinas 2019 second runner-up, “We are all here to support her.

“She’s good. We’re just waiting for the final announcement of Binibini, so let’s just wait.

“I think we should wait for Binibini’s official announcement for everything to be clear.”

Samantala, sa pinakahuling update naman ni George Wittels nitong Miyerkules, sinabi nitong maging siya ay naghihintay na lamang ng update mula kay Samantha.

Continue reading below ↓

SAMANTHA WILL NO LONGER JOIN PAGEANT?

Ayon sa headline ng isang beauty pageant blog, inanunsiyo na umano ng Miss Grand International (MGI) Organization na hindi makakasali ngayong taon ang Pilipinas sa international pageant.

Nabigo kasing makarating ni Samantha Lo sa Caracas, Venezuela, para sa ongoing pageant festivities.

Magaganap ang grand coronation sa October 25, 2019.

Nitong October 16, Miyerkules, ibinalita ng globalbeauties.com na hindi magko-compete sa Miss Grand International ang Pilipinas ngayong taon.

Ang headline: “MGI 2019: Welcome Ceremony happens without Philippines. The country won’t compete this year.”

Kalakip ng article ay ang larawan ng 59 kandidata na kuha sa welcome ceremony, kasama ang reigning Miss Grand International na si Clara Sosa ng Paraguay at ang officials ng MGI.

Ayon sa opening sentences ng artikulo (published as is): “The MGI Welcome Ceremony is always big news in the pageant world, but confirmation that Miss Grand Philippines, Samantha Lo, won´t make it to Venezuela after all, was the most talked about subject among fans around the world.

Continue reading below ↓

“After departing photos of her circulated the internet, the Filipino representative ended up not arriving in Manila. A missing connection flight, visa problems, disqualification, or a decision to withdraw? The mystery remains, and whatever happened, a pageant powerhouse such as the Philippines will be highly missed on this Grand Slam contest…”

Ayon sa website, “Founded in 1998 Global Beauties has been, ever since, the leading online resource for international beauty pageants´information and analysis.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Where is Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo? Her fellow beauty queens (right photo, L-R) Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong, Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Ramirez Saeed, and Binibining Pilipinas 2019 second runner-up Samantha Bernardo say that Samantha is "okay," but did not give further details.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Official Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results