Marco Gallo, nagkuwento kung bakit at paano sila nag-break ni Juliana Gomez

by Noel Orsal
Oct 17, 2019
"Siguro naman kung totoo ang pagmamahal namin noon ni Juliana, e, di kami pa rin ngayon, di ba?" sabi ni Marco Gallo sa mga kausap na reporters nang tanungin tungkol sa naging relationship nila noon ni Juliana Gomez.
Video: Noel Orsal.

Tinanong muna si Marco Gallo tungkol sa ipinapareha sa kanya noon na si Kisses Delavin.

Aniya, naging malapit na magkaibigan lang talaga sila.

Pero nang tungkol na sa kanila ni Juliana Gomez ang tanong, ipinaliwanag niya na hindi pa niya nararanasan ang "real love."



"Temporary thing" lang daw ang nangyari sa kanila ni Juliana.

"The real love, I don't know what it is yet. I don't have an explanation for it. Probably 'cause I'm too young, or probably I cannot find it yet," sabi ni Marco sa harap ng kausap na reporters na dumalo sa contract signing niya bilang bagong talent ng Viva Artists Agency sa Viva office kanina, October 17.

"Siguro naman kung totoo ang pagmamahal namin noon ni Juliana, e, di kami pa rin ngayon, di ba?" patuloy pa ni Marco.

Sagot naman ng isa sa mga reporter na kausap niya, umalis naman kasi si Marco kaya hindi na sila ni Juliana ngayon.

Gusto pa sanang itanggi ni Marco na naging sila nga ni Juliana, pero pinaalala sa kanya ng isa pang reporter na kausap na inamin na niya sa kanila na naging magkasintahan nga sila ng anak nina Leyte Representative Lucy Torres at Ormoc Mayor Richard Gomez.

Sunod na tinanong kay Marco ay kung paano sila nag-break ni Juliana.

Panoorin sa video ang pagkuwento ni Marco tungkol sa breakup nila ni Juliana at ang pahabol pang paglilinaw niya tungkol sa sinasabing pagkakaroon niya ng maraming girlfriends sa Italy.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results