Ina Raymundo replies to netizen insinuating her daughter had a boob job

by Rachelle Siazon
Oct 18, 2019
Ina Raymundo addresses netizen's comment that her daughter Erika Rae now has "busts too big" compared with previous photos.
PHOTO/S: @inaraymundo95 Instagram

Hindi napigilan ni Ina Raymundo na sagutin ang pagkuwestiyon ng isang netizen sa umano'y enhanced breasts ng anak ng aktres na si Erika Rae.

Si Erika ay isa sa limang anak ni Ina sa Canadian-Ukranian husband niyang si Brian Poturnak.

Nag-ugat ang isyu nang buong-pagmamalaking ipinost ni Ina ang ilang sexy photos at videos ni Erika na nagdiriwang ng 18th birthday nito.

May kuha roon si Erika na naka-bikini sa isang beach resort sa Batangas.

Continue reading below ↓

Sa comments' section, isang netizen ang pumansin na tila malaki ang ipinagbago ng pangangatawan ni Erika kumpara sa lumang photos nito.

Pahayag ng netizen tungkol kay Ericka, "She's pretty but I hope she didn't make her busts too big.

"Comparing some of her pics before her breasts became too big.

"Pretty girls do not need to exert too much effort."

Mariing pinabulaanan ni Ina ang espekulasyong cosmetically enhanced ang pangangatawan ng anak niyang si Erika.

Sagot ni Ina: "Wow. Excuse me? What are you trying to insinuate? #ignorant

"I'm going to react to this because you are not a troll.

"If anything, my daughter wants to make her breasts smaller."

Ipinaliwanag din ni Ina na walang dapat ikahiya ang kanyang anak sa pangangatawan nito.

"You have no idea how this made her insecure about her body but I'm happy that it's not affecting her much anymore.

Continue reading below ↓

"She's embracing what she has.

"Be careful with what you say."

Sa huli, inulit ni Ina na hindi isyu ang pagkakaroon ng malaking dibdib ni Erika Rae.

Aniya, "I see a beautiful face more than anything."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Raymundo addresses netizen's comment that her daughter Erika Rae now has "busts too big" compared with previous photos.
PHOTO/S: @inaraymundo95 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results