Claudine Barretto posts cryptic message after altercation with sister Marjorie

by Bernie V. Franco
Oct 18, 2019
Who is Claudine Barrretto (left) alluding to in her latest Instagram post? Claudine posted a cryptic message following her reported altercation with sister Marjorie (right) at the wake of their father.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Sino ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa kanyang latest Instagram post?

“Are you proud of who you have become?” mababasang quote sa larawan na ipinost ng 40-anyos na dramatic actress ngayong umaga ng Biyernes, October 18.

Caption dito ni Claudine: “I hope not.”

Malaman ang mensaheng ito ni Claudine, lalo't ipinost niya ito matapos mapaulat ang nangyaring sakitan sa pagitan nila ng kapatid na si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City, Huwebes ng gabi, October 17.

Continue reading below ↓

Pumanaw ang Barretto patriarch noong October 15, pagkatapos manatili sa intensive care unit ng St. Luke's Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig nang higit isang linggo.

BARRETTO SISTERS’ FEUD

Sa St. Luke's din isinugod si Claudine kagabi.

Ayon sa ulat ng dZMM at ABS-CBN News Online, dinala si Claudine sa ospital dahil nahilo raw ito at mayroon ding mga galos sa kamay.

Bago siya isugod sa ospital ay nagkaroon daw ng pagtatalo sina Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang ama.

Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng magkapatid.

Pero bago ang nangyaring away sa pagitan nina Claudine at Marjorie, nagkaroon din ng komosyon sa burol nang dumalaw ang nakatatanda nilang kapatid na si Gretchen Barretto noong Miyerkules ng gabi, October 16.

Hindi lingid sa showbiz na may matagal nang alitan si Gretchen sa kanyang mga magulang at sa kapatid na si Marjorie.

Nagkabati sina Gretchen at Claudine nitong March 2019.

Continue reading below ↓

Nagkataon ding noong Miyerkules ng gabi ay naabutan ni Gretchen sa burol si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinakiusapan pa raw ng Pangulo si Marjorie na makipagkamay kay Gretchen, kahit noong gabi lamang na iyon, subalit naging matigas umano si Marjorie.

“It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown,” mensahe ni Gretchen sa ABS-CBN News.

Kinumpirma rin ni Gretchen na hiniling ng Pangulo kay Marjorie na magkamay silang magkapatid para na rin sa yumao nilang ama, “but Marjorie was not happy that I was there to reunite with family.”

NETIZENS REACT

Samantala, patuloy ang pagdami ng mga komento ng pinakahuling post ni Claudine.

Iba-ibang opinyon ang ipinahayag ng netizens.

Kanya-kaya silang pagtatanggol at paninisi kina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Pero marami ring mga komento mula sa netizen ang naghihimok sa magkakapatid na magkabati na para na rin sa kanilang pamilya at yumaong ama.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who is Claudine Barrretto (left) alluding to in her latest Instagram post? Claudine posted a cryptic message following her reported altercation with sister Marjorie (right) at the wake of their father.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results