Samantha Lo deported from France after being held by airport authorities for 13 hours, report says

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2019
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo was allegedly treated like a criminal at Paris airport.
PHOTO/S: Courtesy: Samantha Lo on Facebook

Nakabalik na raw sa Pilipinas si Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo at tanging pamilya lamang nito ang kinakausap ngayon.

Ito ang nakasaad sa ulat ng Manila Bulletin ngayong araw, October 18.

Bunsod umano ito ng pagkaka-deport ni Samantha mula sa Charles de Gaulle Airport sa Paris, France—kung saan siya lilipad sa pamamagitan ng kanyang connecting flight patungong Venezuela—dahil napag-alaman daw ng awtoridad doon na peke ang passport na hawak ng beauty queen.

Ayon pa sa ulat, na-detain sa airport ng Paris si Samantha ng halos 13 oras dahil sa pekeng passport na hawak nito.

Ang hawak daw nitong passport ay hindi sa kanya kundi naisyu para sa isang lalaki.

“When Lo came back to Manila, she appeared shock.

"She only talked to her parents,” sabi ng source ng pahayagan.

"TREATED LIKE A CRIMINAL"

Ayon naman sa ulat ng Tempo, trinato raw na "parang kriminal" ang beauty queen ng airport authorities doon.

Continue reading below ↓

"Lo was treated like a criminal at the Paris airport. For 13 hours, no food and water for her," sabi pa ng source.

Dagdag pa sa report, nalaman din daw ng airport authorities doon na hindi Filipino citizen si Samantha dahil isinilang daw ang beauty queen sa Florida, USA.

Dahil dito, maaari raw ma-dethrone si Samantha.

Tanging natural-born Filipino women lamang daw kasi ang maaaring sumali sa Binibining Pilipinas.

Umalis ng Pilipinas si Samantha patungong Caracas, Venezuela, noong Miyerkules, October 9, para sa grand coronation ng Miss Grand International 2019 na gaganapin sa October 25.

Ngunit napansin ng pageant aficionados na walang balita tungkol sa kanyang pagdating sa Venezuela.

Dahil dito, umingay ang tanong ng netizens: “Nasaan si Samantha?

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) o si Samantha tungkol dito.

Hindi pa rin malinaw kung hahabol pa si Samantha sa grand coronation ng Grand International 2019.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo was allegedly treated like a criminal at Paris airport.
PHOTO/S: Courtesy: Samantha Lo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results