Marjorie Barretto slams Gretchen and Claudine: “Don’t be fooled by the statements of my sisters.”

by Bernie V. Franco
Oct 18, 2019
Marjorie Barretto (left) lambasts her sisters Gretchen (center) and Claudine (right) for allegedly releasing "false" and "twisted" statements to the press. Marjorie also swears, "WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH."
PHOTO/S: @marjbarretto, @juansarte, @pornstar_roviel on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagpakawala ng maaanghang na salita si Marjorie Barretto, 45, kaugnay ng kinasangkutan nilang away ng mga kapatid na sina Gretchen, 49, at Claudine, 40, sa burol ng kanilang ama sa magkasunod na gabi.

Ngayong Biyernes, October 18, ang huling araw ng burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Miyerkules ng gabi, October 16, lumabas sa mga balita ang nangyaring kumprontasyon diumano sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

Ani Gretchen sa kanyang statement sa ABS-CBN, hindi raw masaya si Marjorie sa pagpunta niya sa burol ng kanilang ama.

Matagal nang may hidwaan si Gretchen sa kanyang mga magulang, gayundin kay Marjorie.

Huwebes ng gabi, October 17, isinugod sa ospital si Claudine dahil nahilo raw ito at may mga galos sa kamay.

Ayon sa ulat ng dZMM at ABS-CBN News, nagkasakitan umano sina Claudine at Marjorie, pero hindi tinukoy kung ano ang pinag-ugatan ng away ng magkapatid.

Continue reading below ↓

MARJORIE BREAKS SILENCE

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, October 18, naglabas ng pahayag si Marjorie kaugnay ng mga lumalabas na balita tungkol sa kanilang magkakapatid.

May kinalaman daw ito sa “false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake.”

Hindi binanggit ni Marjorie sa kanyang post ang mga pangalan nina Gretchen at Claudine, subalit malinaw na ang dalawa ang "sisters" na kanyang pinatutukuyan.

Kalakip ng kanyang post ay quote tungkol sa “narcissists.”

Ayon sa quote: "Narcissists try to destroy your life with lies because theirs can be destroyed with the truth.”

Pahayag ni Marjorie sa caption (published as is): “There are very disturbing news going around right now.

“All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children.

“But nothing can get lower than this.

Continue reading below ↓

“Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one.”

Aniya pa, “They have tried so hard over the years to destroy my name, I have nothing to lose anymore at this point.

“I love my family very much, they are my core.”

Ayon kay Marjorie, hindi siya kontra sa pakikipag-ayos ni Gretchen sa kanilang pamilya, subalit hindi raw niya nagustuhan na may camera pa nang pumunta ang nakatatandang kapatid sa burol ng ama.

“I am all for reconciliation.

“We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital.

“It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras.”

Diin pa ni Marjorie, huwag magpaloko sa mga pahayag ng kanyang “sisters” dahil may mahalagang detalye raw na tinatanggal ang mga ito sa kanilang mga pahayag.

Continue reading below ↓

“Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake.”

Nakiusap din siyang bigyan ang kanilang pamilya ng pagkakataong ipagluksa ang ama sa huling araw ng burol nito.

Ngunit sa pagtatapos ng kanyang post, tiniyak ni Marjorie na ibubunyag niya ang katotohanan.

Binanggit din niyang nangangamba siya sa kanyang pagsasalita sa takot na manganib ang buhay niya at ng kanyang mga anak.

Ani Marjorie (published as is): “May I request everyone to allow our family to grieve, it’s our last day with our Father today.

“Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest,then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH.

“I would like to ask for prayers too.

“Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger.

Continue reading below ↓

“My sisters boyfriend is powerful in a very bad way( and I don’t mean Tony Boy) And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.”

Pinasalamatan din ni Marjorie si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalaw sa burol ng ama, at humingi ng paumanhin na nadawit ang pangalan nito sa gulo ng kanilang pamilya.

“And to our dear President Duterte, thank you for being there for the family and sharing in our grief.

“My apologies that your name was dragged into this. You were so kind to me. I will always be grateful.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (left) lambasts her sisters Gretchen (center) and Claudine (right) for allegedly releasing "false" and "twisted" statements to the press. Marjorie also swears, "WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH."
PHOTO/S: @marjbarretto, @juansarte, @pornstar_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results