Alden Richards, biglang napatigil sa pagrampa nang makita ang artistang ito

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Oct 18, 2019
Napatingin sa isa sa mga nanonood si Alden Richards at bigla itong napahinto sa pagrampa sa kanyang Athleisure Collection fashion show.
PHOTO/S: Screenshot from 24Oras, GMA-7

Muling inirampa ni Alden Richards ang kanyang 'athleisure' wear for a cause. Pero sa gitna ng pagrampa ni Alden, sandali siyang napatigil.

Binati niya muna at bineso ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na isa sa mga nanonood ng kanyang fashion show.

Ang mga damit na inirampa sa fashion show na ito ay mula sa collaboration nina Alden at kilalang fashion designer na si Avel Bacudio.

Continue reading below ↓

Ang kikitain mula clothing line nina Alden at Avel ay mapupunta sa kanilang beneficiary na Northern Luzon Association for the Blind.

Malapit pareho sa puso nina Avel at Alden ang asosasyon na ito na nangangalaga sa mga bulag dahil sa muntik nang pagkabulag ng designer na sumailalim ng operasyon matapos magkaroon ng retinal detachment.

Continue reading below ↓

Si Alden naman ay gumaganap na bulag sa kanyang latest TV series na The Gift.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napatingin sa isa sa mga nanonood si Alden Richards at bigla itong napahinto sa pagrampa sa kanyang Athleisure Collection fashion show.
PHOTO/S: Screenshot from 24Oras, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results