Ate Gay warns public against fake news about refusing It’s Showtime guesting

by Jet Hitosis
Oct 18, 2019
Ate Gay shares on his Facebook, Twitter, and Instagram pages the fake post about the alleged reason why the stand-up comedian will not be among It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" contestants.
PHOTO/S: @Gil Aducal Morales on Facebook

Pinabulaanan ng stand-up comedian na si Ate Gay ang kumakalat na post na siya raw mismo ang umayaw sa “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” ng It’s Showtime.

Batay sa post ng Facebook page na The Scourge of Bobomilyas, ayaw raw kasi ni Ate Gay na magaya sa kapwa komedyante at kaibigang si Ethel Booba na “maghintay ng taon bago makuha ang talent fee” sa ABS-CBN.

Sa tweet ni Ate Gay—Gil Morales ang tunay na pangalan—ngayong Biyernes, October 18, ibinahagi niya ang naturang post na in-upload kahapon, October 17.

Caption ni Ate Gay: “Wala po itong katotohanan.. salamat po!”

Title ng post: “Ate Gay, ayaw maranasan ang nangyare kay Ethel, tinanggihan ang guesting sa Showtime.”

Nasa official Facebook at Instagram pages din ni Ate Gay ang paglilinaw niya sa naturang post.

ATE GAY GETS PULLED OUT WITHOUT EXPLANATION

Miyerkules, October 16, nang ihayag ni Ate Gay na hindi na siya maisasalang sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng ABS-CBN noontime show.

Continue reading below ↓

Sa Facebook post ng komedyante nang araw na iyon, sinabi niyang “ang management ay walang sinabing dahilan kung bakit.”

Pero sa dalawang paragraph na post ng The Scourge of Bobomilyas, mayroon pang quoted statement na pinalalabas na nanggaling kay Ate Gay.

Narito ang buong post (published as is):

“Ayon sa batikang komedyante at ang real MASHUP QUEEN Ate Gay, hindi nya pinatulan ang offer sa kanya ng Showtime dahil ayaw nya na maghintay ng taon bago makuha ang talent fee na kadalasang nangyayare sa Abs-Cbn. Naging lesson umano ang nangyare sa kanyang friend na si Ethel Booba.

“ATE GAY:‘ang hirap naman kasi nung mukha kang tanga kakahintay ng talent fee kung babayaran ka ba or hindi.. hahahaha parang di ko keri besh. Ano yun, kung di mo pa idadaan sa social media di sila kikilos para bayaran ka?? Akala ko ba ang claim nila kesyo rich ang Abs? eh bakit baon sa jutang, kaya super mega delay ang pag give ng TF? nakakaloka day!!!”

Continue reading below ↓

FAKE NEWS

Sa comments section, iginiit ng Facebook followers ni Ate Gay na “fake news” ang post at dapat na i-report sa Facebook ang naturang page.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Scourge of Bobombilyas sa Facebook, nakalagay na isa itong personal blog, na mayroong 1,876 followers.

Kapansin-pansin ding puro negatibo, kontra sa ABS-CBN, at walang basehang impormasyon ang ipinu-post ng naturang Facebook page.

ETHEL'S GUESTINGS IN KAPAMILYA SHOWS

Ang tinukoy sa fake news post ay ang pagbubunyag ni Ethel sa Twitter nitong September 22 na hindi pa nababayaran ang guestings niya sa dalawang Kapamilya shows.

Continue reading below ↓

Batay sa tweets noon ni Ethel, hindi pa nabayaran ang talent fee niya sa Minute To Win It at sa Gandang Gabi Vice, kahit na ilang buwan na ang nakalipas matapos siyang mag-guest sa mga ito.

Kabilang si Ethel sa mga contestant ng “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions,” at sa press conference ng It’s Showtime kamakailan, kinumpirma ng comedienne na nabayaran na ang sinisingil niyang talent fees.

Samantala, hanggang sa maisulat ang report na ito, hindi pa rin nagbibigay ng paliwanag o naglalabas ng official statement ang It’s Showtime sa naudlot na pagsalang ni Ate Gay sa “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions.”

Matatandaang kasama ni Ethel si Ate Gay at ang iba pang celebrities na sumailalim sa pictorial, media interview, at band rehearsal para sa singing contest ng Kapamilya noontime show.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay shares on his Facebook, Twitter, and Instagram pages the fake post about the alleged reason why the stand-up comedian will not be among It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" contestants.
PHOTO/S: @Gil Aducal Morales on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results