Toni Gonzaga asks Paul Soriano: "What would make you walk out of our marriage?"

by Jet Hitosis
Oct 18, 2019
In his first one-on-one interview with wife Toni Gonzaga, director Paul Soriano answers many questions tackling a range of topics, from his favorite black polo shirt and baseball cap to their four-year marriage and their son Seve.
PHOTO/S: Noel Orsal, @celestinegonzaga on Instagram

Ilang beses nang tinanggihan noon ni Paul Soriano ang request ng asawa niyang si Toni Gonzaga na magkaroon sila ng one-on-one interview.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ang direktor na kapanayamin siya ni Toni sa YouTube vlog nito na in-upload noong October 17.

Nilubos ni Toni ang pagbato ng mga tanong kay Paul.

Sa kabuuan, ang last question ni Toni kay Paul ang naging sentro ng kilig sa first one-on-one interview ng mag-asawa.

Tanong ni Toni: “What would make you walk out of our marriage?”

Napaisip muna si Paul, ‘tsaka sumagot.

“It’s when you walk out of it.”

Kinikilig si Toni nang bitiwan ang kanyang follow-up question: “What if I don’t?”

“Then I won’t,” ani Paul.

Diretsahan ding tinanong ni Toni si Paul: "Am I a better wife or a mother?"

Sagot ng direktor: "A mother. Being a better mother is what makes you a better wife."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Paul, wala raw siyang naiisip na katangiang kailangan pang i-improve ni Toni bilang asawa.

June 12, 2015 nang ikinasal sina Paul at Toni matapos ang walong taon ng pagiging magkasintahan.

ON HAVING SEVE

September 30, 2016 naman nang isinilang ni Toni ang panganay nilang si Seve, o Severiano Elliott Soriano.

Naging bukas si Paul sa pagsasabing si Seve ang inspirasyon niya sa paggawa ng pelikula at ang anak din ang itinuturing niyang “greatest achievement” sa buhay.

Nang tanungin ni Toni kung ilang anak ang gusto ni Paul, sagot ng direktor: “One more child.”

Ayon pa kay Paul, sa tagal ng pagsasama nila ni Toni ay sa ibang paraan na siya pinakikilig ng kanyang misis—at iyon ay kapag nakikita niyang inaalagaang mabuti ng TV host/actress/singer ang kanilang anak.

PAUL DOESN’T WANT TONI TO CUT HER HAIR SHORT

Sa pagpapatuloy ng vlog, nagkuwento ang mag-asawa ng ilan pang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Toni na bagamat hindi nagustuhan ni Paul ang pagpapaiksi niya noon ng buhok, hindi ito sinabi sa kanya ng asawa.

“He didn’t like it pala,” pagbubunyag ni Toni.

“He only told me nung mahaba na yung buhok ko. Sabi niya, ‘Just keep it that way.’”

WHAT'S WITH THE BLACK SHIRT AND CAP?

Sinagot ni Direk Paul Soriano ang matagal nang tanong ng marami: Bakit pare-pareho lang ang look ng isinusuot niya araw-araw?

Madalas na nakasuot ng black polo shirt, maong pants, at black baseball cap ang mister ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Continue reading below ↓

Kaya naman ilang Instagram followers ni Toni ang curious na nagtatanong kung bakit iisa lang ang porma ng direktor.

Continue reading below ↓

Kaya natanong pa nga ni Toni kung “uniform” ba ni Paul ang black cap and shirt at maong pants.

“Not necessarily a uniform, I just feel comfortable,” sagot ni Paul.

Paliwanag niya, “So I won’t have to waste time thinking about what I need to wear.

“Shirt, jeans. Comfortable. Feel good.”

Continue reading below ↓

Pahabol pa niya, “I also like the color black.”

Sunod na inusisa ni Toni kung bakit laging naka-cap ang direktor—dahil pinagsususpetsahan na raw ito ng ilan na may problema sa tubo ng buhok nito.

Hinubad ni Paul ang suot na cap para ipakitang malago ang kanyang itim na buhok.

“I’m not conscious naman about the hair,” depensa ni Paul. “It’s just that I don’t like fixing my hair.”

Paliwanag ng direktor, “I just find it easy. I wake up, I shower, dry my hair. I do comb it a bit, but I just comb it pa-backward.”

Naaapektuhan ba si Paul sa mga puna tungkol sa kanyang pananamit?

“From people that I don’t know, no. It doesn’t bother me,” sagot ni Paul.

“At the end of the day, I listen to the people close to me.”

Ang pagkakaroon ng "trademark look" na tulad ni Paul ay maihahalintulad sa physicist na si Albert Einstein (laging naka-grey suit), sa Apple co-founder na si Steve Jobs (black turtleneck, blue jeans, sneakers), at sa Facebook founder na si Mark Zuckerberg (grey shirt, blue jeans).

Continue reading below ↓

Narito ang video ng interview ni Toni sa asawang si Paul:

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his first one-on-one interview with wife Toni Gonzaga, director Paul Soriano answers many questions tackling a range of topics, from his favorite black polo shirt and baseball cap to their four-year marriage and their son Seve.
PHOTO/S: Noel Orsal, @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results