Gretchen, Marjorie Barretto trade barbs anew on Instagram

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2019
Gretchen Barretto (left) and sister Marjorie's feud started back in 2014 when the former posted on Instagram high praises for Liza Soberano who was pitted against the latter's daughter, Julia Barretto.
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi nagpapatinag si Gretchen Barretto, 49, sa kanyang mga tirada laban sa nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto, 45.

Ngayong Biyernes, October 18, nagpalitan sila ng maaanghang na salita laban sa isa’t isa, kung saan damay rin ang bunso nilang kapatid na si Claudine Barretto, 40.

Nagpatutsadahan sila tungkol sa kani-kanilang “powerful boyfriends.”

Bahagi ng sinabi ni Marjorie tungkol sa diumano’y "boyfriend" ni Gretchen, na hindi ang longtime partner nitong si Tonyboy Cojuangco: “My sisters boyfriend is powerful in a very bad way( and I don’t mean Tony Boy)And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.”

Sagot dito ni Gretchen: “AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT?”

Continue reading below ↓

MOST POISONOUS PEOPLE DISGUISED AS FAMILY

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stroies), nagbahagi naman ng isang quote si Gretchen tungkol sa “poisonous people.

Nakasaad dito: “SOME OF THE MOST POISONOUS PEOPLE COME DISGUISED AS FAMILY.”

May binanggit din siya sa IG Stories tungkol sa tunay na ama umano ng bunsong anak ng kanyang estranged sister na si Marjorie.

Continue reading below ↓

Sabi ni Gretchen: “Will she also admit to all who the father of her last child After denying for many years”

Sinamahan niya ito ng screenshot ng sagot ni Marjorie sa isang netizen tungkol sa pagsasabi ng totoo.

Ito ay hango sa komento ng Instagram user na si @fmdy kay Marjorie sa kanyang post: “Any truth said shall set you free!

Continue reading below ↓

"The truth is always what has to be seen - no matter how difficult or embarrassing it may be.

"I am glad you are taking that direction for your own peace and that of your family!

"I feel for your parents and more so now your mother especially at her age.”

Tugon dito ni Marjorie: “@fmdy Yes. I’m taking that direction now, in telling the truth, so that if anything happens to me and my loved ones, you would all know who did it to us.”

Continue reading below ↓

MARJORIE ACCUSES GRETCHEN OF LEAKING INFORMATION TO MEDIA

Isa pang netizen ang nagkomento sa post ni Marjorie na sana ay nanahimik na lamang daw siya at huwag nang iladlad sa publiko ang kanilang “dirty laundry.”

Saad ng Instagram user na si @monay.nay: “You ask for people to hold judgement but dropping a bomb that attracts a lot of judgement against your sister at the same time.

"You would have earned a lot of respect from people if you have just kept quiet until after your dad is buried.

"But you just can't hold your tongue. Same feathers. Pot. Kettle. Black.

"For the sake of your widowed mom and the young Barretto's, stop airing your dirty laundry in public.”

Tugon ni Marjorie, si Gretchen daw ang nagkuwento sa media tungkol sa kanilang gusot.

“Let’s make this clear. She spoke in the media. Not me.

"This is the first time I will talk.

Continue reading below ↓

"This comment should be on their page, not mine.”

Ayon naman kay @pinkwallsandbabies, hindi nangangahulugan na kapag nanahimik si Marjorie ay talo na ito sa laban kundi "self respect" daw ang tawag dito.

Aniya, “While you are all hurting, the media and the people will ve very happy with the unfortinate events within your family.

Continue reading below ↓

"This is an unsolicited advice, but being quiet is no a sign of defeat.

"Let it die down a bit. Heal and mice forward.

"Wala ng patutubguhan to kundi jayo gratifying those people who are hustbso glad to witness your sarswela.

"It'll hurt more. I know how you all feel and i know you have the right to speak pero for the sake of peace.. sincerely, and from the bottom of my heart, i pray for your family.

"Tama na.. sobrang kawawang kawawa na kayo.. you are sufferinf from hate and anger..let go and heal.

"I am a silent rwader pero this time, continue to embrace peace...its not cowardice, it is self respect.. sending my condolences.."

Continue reading below ↓

Pero nanindigan si Marjorie na hindi sa kanya nagsimula ang lahat.

Sabi niya: “@pinkwallsandbabies The news didn’t start with my family.

"We were all caught by surprise that it came out in the media, and detailed except the stories were twisted and to someone else’s advantage.

"And I don’t suffer from hate and anger, I have so so so much people who I love and love me."

Continue reading below ↓

Sa lamay ng kanilang amang si Miguel Barretto noong October 16, Miyerkules, nagkaroon ng kaguluhan sa chapel dahil nagkabanggaan daw sina Gretchen at Marjorie kasama ang pamangkin nilang si Nicole Barretto.

Ito ay kahit nasa loob pa ng chapel si President Rodrigo Duterte na nais sanang pagbatiin ang magkapatid.

Kagabi, October 17, nagkaroon ng round two nang nagsabunutan naman daw sina Marjorie at Claudine.

IS GRETCHEN MULLING TO FILE CASE AGAINST MARJORIE?

Ngayong hapon sa kanyang IG Stories, nagbahagi muli ng screenshot si Gretchen sa naging post ni Marjorie.

Nilagyan niya ito ng mga salitang “Edited. Removing name. Accusing, indanger.”

Continue reading below ↓

May balak bang magsampa ng reklamo si Gretchen laban sa kapatid?

Taong 2014 pa nagsimula ang alitan nina Marjorie at Gretchen, na nag-ugat daw nang mag-post si Gretchen sa Instagram ng papuri kay Liza Soberano.

Hindi raw nagustuhan ni Marjorie ang post ng nakakatandang kapatid dahil si Liza ay itinuturing na karibal ng kanyang anak na si Julia Barretto sa bakuran ng ABS-CBN.

Parehong ginu-groom ngayon ng Kapamilya network at Star Magic sina Julia at Liza bilang next top leading ladies ng ABS-CBN.

Labis daw na nasaktan si Marjorie at mula noon ay hindi na naging maganda ang ang kanilang relasyon bilang magkapatid.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) and sister Marjorie's feud started back in 2014 when the former posted on Instagram high praises for Liza Soberano who was pitted against the latter's daughter, Julia Barretto.
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results