Janine Gutierez wins first best actress award

by Rommel Gonzales
Oct 19, 2019
Hindi makapaniwala si Janine Gutierrez nang umakyat siya sa stage at i-receive ang napanalunang Best Actress award para sa pelikulang 'Babae At Baril' sa naganap na QCinema International Film Festival awards night kagabi, October 18, sa Novotel Hotel, Quezon City.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram (left) / @qcinemaph on Instagram (right)

Unang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine Gutierrez kahapon ng hapon sa opening ng negosyo niyang nail spa na I DO Nails sa Ayala Malls The 30th sa Meralco Avenue, Pasig City.

Tinanong namin si Janine kung ano ang expectation niya sa magaganap na QCinema International Film Festival awards sa Novotel Hotel kinagabihan nang araw na iyon.

Entry sa nasabing film festival ang pelikula niyang Babae At Baril (sa Asian Next Wave Competition) at isa siya sa mga strong contenders para sa Best Actress award.

Continue reading below ↓

“Wala naman po, wala, mahirap mag-expect,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Mahirap pong mag-expect. Pero iniisip ko nga po kung pupunta ba ako, pero bilang suporta po sa director namin, sa buong production staff ng Babae At Baril, sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila for taking care of me sa shooting kaya gusto ko silang makasama ulit kaya pupunta po ako sa awards night.”

Ano ang nararamdaman ni Janine kapag napupuri palagi ang kanyang acting, tanong pa rin namin sa Kapuso actress during her I DO Nail spa opening?

“Sobrang thankful po, super, super-thankful kasi hindi ko inaasahan 'tsaka lalo na nung premiere night nitong Babae At Baril sobrang kinakabahan ako kasi hindi ko pa napapanood yung pelikula bago ang premiere, wala akong kasiguraduhan kung maganda ba yung ginawa ko.

“Pero sabi ni Mama, okey daw kaya naniniwala ako kay Mama,” pagtukoy ni Janine sa ina niyang aktres na si Lotlot de Leon.

Continue reading below ↓

JANINE'S FIRST BEST ACTRESS AWARD

At kinagabihan, pagkatapos ng Iconic concert nina Regine Velasquez at Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum ay nakausap muli namin si Janine sa Novotel Hotel mismo (na katabi lamang ng Araneta Coliseum) pagkatapos ng awards night kung saan nga tinanghal na Best Actress si Janine.

Continue reading below ↓

“Hindi po ako makapaniwala,” ang bulalas ng aktres.

“Tulad nga po ng sabi ko kaninang hapon, hindi ako nag-e-expect, wala akong anumang expectation, um-attend ako dito sa awards night to support the movie, sina Direk, the whole production.

“Sobrang happy, sobrang thankful po ako sa mga taong naniwala, nagtiwala, at nagbigay ng parangal na ito, as in super-thank you po!

“At sobrang saya kasi pati si Direk Rae, nanalong Best Director,” ang bulalas pa ni Janine; si Rae Red na direktor ng Babae at Baril, ang itinanghal na Best Director sa gabi ng parangal.

Continue reading below ↓

Unang best actress award ito ni Janine.

“Kaya po sobrang importante po nito sa akin, kanina po nung nasa stage ako to accept the award, as in hindi ko po ma-explain kung gaano ako kasaya,” at natawa si Janine, “as in sobrang saya ko po and sobrang grateful.

“Kaya maraming salamat po talaga for this award,” ang masayang-masayang sinabi pa ni Janine.

Palabas pa rin sa mga sinehan hanggang October 22 ang Babae At Baril.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi makapaniwala si Janine Gutierrez nang umakyat siya sa stage at i-receive ang napanalunang Best Actress award para sa pelikulang 'Babae At Baril' sa naganap na QCinema International Film Festival awards night kagabi, October 18, sa Novotel Hotel, Quezon City.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram (left) / @qcinemaph on Instagram (right)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results