Atong Ang speaks up about alleged affairs with Gretchen, Claudine, Nicole Barretto

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2019
Businessman Atong Ang (extreme left) on alleged affairs with Nicole Barretto (second from left) and her aunt Gretchen Barretto (extreme right): "Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen." Atong also clarifies his relationship with Claudine Barretto (second from right).
PHOTO/S: Facebook / Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagsalita na ang controversial businessman na si Atong Ang tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, Claudine Barretto, at ng pamangkin ng tatlo na si Nicole Barretto.

Sa statement na ipinadala niya kay ABS-CBN news anchor Henry Omaga-Diaz ngayong gabi, October 20, sinagot at nilinaw ni Atong ang pahayag ni Nicole na may relasyon sila at inagaw siya ni Gretchen mula sa pamangkin nito.

Ito raw ang naging mitsa ng pag-aaway ng mag-tiya at ni Marjorie sa harap ni President Rodrigo Duterte sa unang gabi ng burol ni Miguel Barretto, ang sumakabilang-buhay na Barretto patriarch,noong Miyerkules, October 16, sa Heritage Park, Taguig City.

Ayon kay Atong, business partners sila ni Gretchen at ng longtime partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Wala umanong kinalaman si Gretchen sa paghihiwalay nila ni Nicole.

Itinanggi rin ni Atong na nagkaroon sila ng romantic relationship ni Claudine.

Buong pahayag ni Atong (published as is):

Continue reading below ↓

"Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya.

"Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.

"May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen.

"Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro --'yun lang ang naging relasyon namin.

"Si Nicole, pinag-aral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay niya.

"Si Gretchen malapit siya sa asawa ko," ang paglilinaw ni Ang.

Dahil nagsalita na si Atong Ang tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa away ng Barretto family, ang statement naman ni Tonyboy Cojuangco ang hinihintay ng lahat dahil sinabi ni Gretchen na maglalabas din ng pahayag ang kanyang "common-law husband," bilang sagot sa mga akusasyon nina Marjorie at Nicole laban sa kanya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Atong Ang (extreme left) on alleged affairs with Nicole Barretto (second from left) and her aunt Gretchen Barretto (extreme right): "Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen." Atong also clarifies his relationship with Claudine Barretto (second from right).
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results