Gretchen Barretto posts photo of Atong Ang's family amid issue with niece Nicole

by Arniel C. Serato
Oct 21, 2019
Gretchen Barretto (left) defends Atong Ang (center) against niece Nicole Barretto (right): "We will protect our happy life Nicole. We love each other dearly.”
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte on Instagram / GMA News / @colebarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi pa rin nagpapaawat si Gretchen Barretto sa pagpapatutsada sa kanyang pamangkin na si Nicole Barretto.

Si Nicole ay anak ng nakatatandang kapatid ni Gretchen na si Jay-Jay Barretto.

Matapos buweltahan si Nicole tungkol sa mga pasaring nito laban sa kanya noong Sabado, October 19—na inagaw diumano ni Gretchen si Atong Ang sa kanya—ipinagmalaki naman ni Gretchen na may masayang pamilya si Atong.

Ayon sa aktres, pamilya na ang turing nila sa pamilya ng negosyante at business partner niya.

Pinasaringan din muli ni Gretchen si Nicole.

Kalakip ang larawan ng pamilya ni Atong, ito ang mensahe ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories kagabi, October 20:

“Here is Mr. Atong & Mrs. Iris Ang & family.

“This family happens to be our family too.

“We will protect our happy life nicole.

“We love each other dearly.”

Continue reading below ↓

NICOLE ACCUSES GRETCHEN OF STEALING ATONG FROM HER

Kumalat nitong weekend ang palitan ng mensahe ni Nicole Barretto at ng isang Instagram user.

Dito sinabi ni Nicole na inagaw diumano sa kanya ng tiyahin na si Gretchen ang ex-boyfriend niyang si Atong.

"I just want to inform you that I wasn't thrown to the states.

“I was there to move on from what gretchen and atong did to me.

“I'm stating the fact that my own aunt stole my boyfriend.”

Buwelta naman ni Gretchen: “Oh, im sorry.

“I was told that nicole stole atong from her aunt claudine.”

Ang “Claudine” na tinutukoy ni Gretchen ay ang bunso nilang kapatid na naugnay rin kay Atong may ilang taon na ang nakararaan.

Nag-ugat ang gusot nina Gretchen at Nicole sa kaguluhang nangyari sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto, sa Heritage Memorial Chapels, Taguig City, noong October 16, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga ulat na lumabas, susugurin at sasampalin diumano ni Nicole si Gretchen, ngunit napigilan ito ng huli at sinabunutan niya ang una bilang ganti.

Ngkaroon din daw ng komosyon sa pagitan nina Gretchen at Marjorie Barretto kahit nasa harap pa nila si Pangulong Rodrigo Duterte na nakiramay sa kanilang pamilya.

Mariin namang pinabulaanan ni Nicole na inatake niya si Gretchen.

Lahad niya: “I did not attack her.

“She and her boyfriend attacked my aunt and I carried her to the other side so that she won’t hurt tita marj.

“She kicked me countless times and even after I got away and was about to exit the chapel, she sprinted to me and pulled my hair so hard I almost fell to the floor.

“If somebody did not catch me, my skull would’ve have been broken.

“Plenty of people witnessed it.

Continue reading below ↓

“I had my arms in the air to show I wasn’t doing anything to her.

“It’s just unfair that they control the media and twist the facts.

“I do not regret protecting my tita marj.

“If I intended to hurt 'tita' Gretchen, I could’ve threw her a punch.

“But I did not.

“I simply carried her.”

Ang "her boyfriend" na tinutukoy ni Nicole ay si Atong Ang.

ATONG CLARIFIES RELATIONSHIP WITH THE BARRETTO SISTERS, NICOLE

Sa pahayag ni Atong na ipinadala niya sa ABS-CBN News kagabi rin, sinabi niyang walang kinalaman si Gretchen sa hiwalayan nila ni Nicole.

Nilinaw rin niya ang ugnayan nila nina Gretchen at Claudine.

Saad ng business tycoon: “Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong.

"Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.

Continue reading below ↓

"May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen.

"Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro --'yun lang ang naging relasyon namin.

"Si Nicole, pinag-aral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay niya.

"Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dagdag na pahayag nina Gretchen, Atong, at Nicole sa isyu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) defends Atong Ang (center) against niece Nicole Barretto (right): "We will protect our happy life Nicole. We love each other dearly.”
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte on Instagram / GMA News / @colebarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results