Fliptop rapper Lil John shot dead

by Jet Hitosis
Oct 21, 2019
Fliptop Battle rapper-emcee John Ross "Lil John" delos Santos dies after being shot in the head in Imus City, Cavite, Sunday afternoon, October 20.
PHOTO/S: Fliptop Battle League on Facebook, Imus City Police Office

Patay ang sikat na Fliptop Battle rapper na si Lil John makaraang barilin sa ulo sa Imus City, Cavite, nitong Linggo ng hapon, October 20.

Kinumpirma ni Lt. Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, na dead on the spot ang 35-anyos na rapper-emcee—John Ross delos Santos ang tunay na pangalan, may asawa, taga-Barangay Tambo, Parañaque City—matapos barilin sa ulo.

Batay sa police report, nakaupo lang umano sa nakahinto niyang motorsiklo si Lil John, sa harap ng isang tindahan sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Carsadang Bago 1 sa Imus, nang dalawang beses na barilin.

Nakarekober umano ng mga pulis ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na baril sa crime scene.

Hindi pa natutukoy ng pulisya ang motibo at suspek sa pagpatay sa rapper, hanggang sa mailathala ang report na ito.

HIPHOP COMMUNITY IN MOURNING

Nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ni Lil John ang kinaaaniban niyang Fliptop Battle League.

Continue reading below ↓

Sa isang post sa Facebook ng Fliptop Battle League nitong Linggo ng gabi, binigyang-diin ng grupo ang “special unspoken bond” ng rappers at emcees sa hiphop community—na pawang nagluluksa ngayon sa pagpanaw ni Lil John.

Saad sa post (published as is): “Sa kabila ng ginagawa namin sa entablado, at sa kabila ng kahit anong di mapagsangayunan ng mga kasapi nito, may special unspoken bond talaga lahat ng emcees at hiphop, lalo't mula sa indibidwal at kolektibong pinagdaanan at pinaghirapan para sa kultura natin, para sa naging kung ano siya ngayon.

“Kaya sobrang bigat, sobrang lungkot... Mula sa buong FlipTop, lahat ng nakasama mo sa hiphop, at lahat ng napasaya at nainspira mo sa battle rap...

“RIP LILJOHN (sad face emoji) at nakikiramay po kaming lahat sa naiwan niyang pamilya't mga kaibigan.”

Continue reading below ↓

FANS SPECULATE

Samantala, kasabay ng pagbuhos ng pakikiramay kay Lil John, iniuugnay ng ilang fans ng rapper ang Facebook post niya nitong Biyernes, October 18, bilang pahiwatig umano sa kanyang pagkamatay.

Post ni Lil John: “Tuloy lang ang buhay kahit komplikado, wag kang kabahan kahit delikado.”

May espekulasyon pa ang ilan na batay sa naturang post, mistulang may natatanggap daw palang "death threat" ang rapper.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Gayunman, wala pang anumang lead ang Imus City Police sa ngayon tungkol sa pamamaslang kay Lil John.

Ayon sa rap battle music index na versetracker.com, si Lil John—na karaniwan nang nagba-viral ang mga rap battles—ay mayroon nang 29 battles, na katumbas ng kabuuang 24,751,591 views.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fliptop Battle rapper-emcee John Ross "Lil John" delos Santos dies after being shot in the head in Imus City, Cavite, Sunday afternoon, October 20.
PHOTO/S: Fliptop Battle League on Facebook, Imus City Police Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results