Gretchen Barretto tells niece Nicole: "A True Barretto will never chase a man"

by Arniel C. Serato
Oct 21, 2019
Hindi pa rin nagpapaawat si Gretchen Barretto (kaliwa) sa kanyang mga birada laban sa pamangkin na si Nicole Barretto (kanan).
PHOTO/S: Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Muling pinasaringan ni Gretchen Barretto ang estranged niece nitong ni Nicole Barretto kaugnay ng akusasyon ng nakababatang Barretto na inagaw diumano sa kanya ng tiyahin ang negosyanteng si Atong Ang.

Si Nicole ay anak ng nakatatandang kapatid ni Gretchen na si Jay-Jay Barretto.

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) ngayong araw, October 21, nagbanta si Gretchen sa pamangkin na isisiwalat niya ang katotohanan kung bakit sinisante ni Atong ang serbisyo ni Nicole at ng kanyang ina.

Sabi ni Gretchen (published as is): “Your mother & your services fired over 4 yrs ago.

“Would you want me to expose the reasons for it or would you care to tell your twisted truth Nicole Ramos barretto magno.”

Tila kinutya rin ni Gretchen ang pamangkin kaugnay ng naging relasyon nito kay Atong.

Sinasabi ni Nicole na naging "boyfriend" niya si Atong.

Ayon naman kay Atong, ang naging relasyon nila ni Nicole ay "parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon."

Continue reading below ↓

Pasaring ni Gretchen kay Nicole sa kanyang IG Stories: “Theres a difference between a girlfriend & merely (past time). Na nilalako ng nanay.”

Kasunod nito, sinabi ni Gretchen na ang tunay na Barretto ay hindi raw naghahabol ng lalaki.

Ipinahiwatig din ng aktres na nagmana ang pamangkin sa ina nito.

Ayon kay Gretchen: “A True Barretto will never chase a man, Nicole.

“You must Be a Ramos. Your mothers Daughter, who chased jj, my brother.”

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng direct message sa Instagram account ni Nicole upang hingin ang kanyang panig ukol sa isyu.

Kaagad naming ilalathala ang pahayag ni Nicole kapag natanggap na namin ito.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa rin nagpapaawat si Gretchen Barretto (kaliwa) sa kanyang mga birada laban sa pamangkin na si Nicole Barretto (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results