Jay-Jay Barretto accused of not defending daughter Nicole in word war with Gretchen

by Rachelle Siazon
Oct 22, 2019
Jay-Jay Barretto (guy in white shirt and jacket) reacts to netizens' comments amid daughter Nicole (left) and sister Gretchen (right) controversial feud.
PHOTO/S: @juansarte / @gretchenbarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Sa gitna ng masalimuot na alitan sa pamilya Barretto, hindi maiwasang madawit ang nakatatandang kapatid ni Gretchen Barretto na si Joaquin "Jay-Jay" Barretto.

Si Jay-Jay ay ama ni Nicole Barretto, na tampok ng usap-usapan sa social media dahil sa mainit na pakikipagsagutan nito kay Gretchen.

Isang netizen ang kumondena sa diumano'y kawalan ng aksiyon ni Jay-Jay habang tuluy-tuloy umano si Gretchen sa paninira kay Nicole sa social media.

Komento ng netizen sa Instagram feed ni Jay-Jay (published as is):

"What kind of father you are?

"Nilalapastangan na at sinisira na ni @gretchenbarretto ang anak mo, and yet u cant tell gretchen to spare her.

"I saw on your post ' my favourite daughter'. Are u also scared of your evil sister?"

Hindi diretsahang sinagot ni Jay-Jay ang isyu, pero binuweltahan niya ang netizen.

Sabi ni Jay-jay (published as is): "oh shut u. will u?

"ang dami mong alam. mag tshirt ka nalang ijo.

Continue reading below ↓

"Ndi ganyan ka laki katawan mo boy."

NICOLE AND GRETCHEN'S SCUFFLE AT THE WAKE

Nag-ugat ang isyu nang pumutok ang balitang nagkasakitan diumano sina Gretchen at Nicole sa burol ng pumanaw na Barretto patriarch na si Miguel.

Sa ulat ng PEP Troika noong October 17, nakasaad na sinubukan ni Nicole na sampalin pero napigilan umano ito ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Bago umano napaglayo ang dalawa ay nahablot ni Gretchen ang buhok ni Nicole at saka lumala ang komosyon.

Pinabulaanan ito ni Nicole sa kanyang Instagram Stories noong October 19.

NICOLE CLAIMS GRETCHEN STOLE HER BOYFRIEND

Ayon kay Nicole, hindi niya sinaktan si Gretchen at pinigilan niya lang ito nang atakihin umano ng socialite-actress ang kapatid na si Marjorie.

Pero nang bitbitin daw ni Nicole si Gretchen upang mailayo kay Marjorie, si Gretchen naman daw umano ang sumipa at nanabunot kay Nicole.

Inakusan din ni Nicole na boyfriend stealer ang tiyahing si Gretchen at tahasang pinangalanan ang businessman na si Atong Ang na dati umanong boyfriend ni Nicole.

GRETCHEN FIRES BACK AT NICOLE

Hindi ito pinalampas ng socialite-actress.

Buwelta ni Gretchen, may nakapagsabi raw sa kanya na si Nicole ang nang-agaw diumano kay Atong mula kay Claudine Barretto.

Nagpatutsada rin si Gretchen na "I was told by Atong nilako si Nicole sa akin ng nanay niya."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Gretchen, "Nagwawala ka sa isang lalaking di ka niligawan."

IS JAY-JAY KEEPING A NEUTRAL STANCE?

Dahil sa sigalot sa pagitan ng magtiyahin, may ilang netizens ang nagtataka kung bakit tikom ang bibig ng ama ni Nicole na si Jay-Jay.

Noong October 19, namataan din si Jay-Jay na magkakasama sila ng ina niyang si Mommy Inday at mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine.

Ipinagtataka raw ng netizens kung bakit naroon si Jay-Jay sa kasagsagan ng awayan ng anak nitong si Nicole at ni Gretchen.

Noong October 20, kasama rin si Jay-Jay nang magpakuha ng litrato ang buong angkan ng mga Barretto maliban kina Claudine at Gretchen.

Sa aspetong ito, pinusuan lang ni Jay-Jay ang komento ng ilang netizens na nais niyang tumayong "peacemaker" at hindi na para makisawsaw pa sa sigalot sangkot ang anak at mga kapatid.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-Jay Barretto (guy in white shirt and jacket) reacts to netizens' comments amid daughter Nicole (left) and sister Gretchen (right) controversial feud.
PHOTO/S: @juansarte / @gretchenbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results