Nadine Lustre denies pregnancy rumors

by Jet Hitosis
Oct 22, 2019
Actress-dancer and now talent-reality show judge Nadine Lustre denies pregnancy rumors: “Ba’t di ko po alam na buntis ako?”
PHOTO/S: Jet Hitosis

“Ha? Buntis ako? Ba’t di ko po alam na buntis ako?”

Ito ang nagulat at natatawang sagot ni Nadine Lustre nang tanungin tungkol sa isyu na buntis diumano siya.

Dagdag pa ni Nadine, “Talaga ba? Hindi naman.”

Ayon sa 25-anyos na girlfriend ni James Reid, hindi niya alam kung saan nagmula ang isyu na buntis siya.

“Bakit? Saan kasi nanggaling?”

Kasabay nito, umapela si Nadine sa publiko na huwag paniwalaan ang kung anu-anong nababalita tungkol sa kanya kung hindi sa kanya nanggaling ang impormasyon.

“Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana huwag nang paniwalaan, di ba?”

THE PHOTO THAT STIRS CONTROVERSY

Unang bahagi ng Oktubre nang lumutang ang espekulasyon sa pagbubuntis umano ni Nadine, matapos kumalat online ang isang litrato niya sa airport.

Papunta noon ang aktres sa Indonesia para dumalo sa event ng isa sa kanyang endorsements.

View this post on Instagram

@vivaartistsagency - “Nadine Lustre Off to Jakarta for Hooq! @nadine for @hooq.id @hooq_ph” #NadineLustre #Naddicts

A post shared by Naddicts Official (@naddicts_official) on

Kilala sa pagkakaroon ng flat tummy at sexy figure, pinuna ng netizens ang bahagyang maumbok na bahagi ng tiyan ni Nadine sa naturang litrato, at ilan ang kaagad na nag-speculate na buntis siya.

Continue reading below ↓

Pero sa pagharap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa media launch ng bagong talent-reality show ng ABS-CBN, ang Your Moment, sa Quezon City kahapon, October 21, seksing-sexy pa rin si Nadine.

Nang mausisa ng entertainment reporters kung bakit mas sexy pa siya ngayon, sinabi ni Nadine na nagkasakit siya.

“Nagkasakit po ako,” sabi ni Nadine.

“Siyempre lahat po halos ng tao ngayon may sakit.

“Kakagaling lang sa rainy season.”

NOT THE FIRST TIME

Hindi ito ang unang beses na lumutang ang isyu ng pagbubuntis diumano ni Nadine.

June 2018 nang unang maging usap-usapan ang pagdadalantao umano ng aktres, na nagkataong pansamantalang hindi aktibo sa showbiz nang mga panahong iyon.

Paulit-ulit na itinanggi ni Nadine ang isyu, na naging subject pa nga ng biruan sa gitna ng dinner ng aktres sa pamilya ni James noong September ng taong iyon.

Samantala, isa si Nadine sa tatlong judges ng Your Moment, na sa November 9 na ang world premiere.

Continue reading below ↓

Bukod kay Nadine, member din ng panel of judges sina Boy Abunda at Billy Crawford, at sina Luis Manzano at Vhong Navarro ang hosts ng bagong Kapamilya reality show.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-dancer and now talent-reality show judge Nadine Lustre denies pregnancy rumors: “Ba’t di ko po alam na buntis ako?”
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results