Ara Mina says Barretto sisters feud reminds her of past rift with sister Cristine Reyes

by Gorgy Rula
Oct 22, 2019
Ara Mina on Barretto sisters feud: "In the end kasi, magkakapatid pa rin sila, magkadugo pa rin. Kasi ganun din yung pakiramdam ko na akala ko hindi na kami magkakabati ng kapatid ko. ‘Tapos si Cristine, humingi ng tawad sa akin."
PHOTO/S: Ara Mina Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Bigla raw bumalik sa alaala ni Ara Mina ang away nila noon ng kapatid niyang si Cristine Reyes nang pumutok ang awayan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Matagal-tagal ding pinagpiyestahan ng media ang away noon ng magkapatid na Ara at Cristine.

Kaya parang bumalik daw sa kanya ang hindi magandang alaalang ito nang nabalitaan niya ang gulo ng Barretto sisters sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

“Nakaka-sad, kasi parang nag-flashback pa sa akin yung sa amin ni Cristine,” sabi ni Ara nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa red-carpet premiere ng pelikulang Unforgettable sa Cinema 1 ng SM Megamall kagabi, October 21.

Pagbabalik-tanaw pa niya, “Kamuntik ko nang idinemanda yun, e… pero hindi ko naman inano.”

Nag-ugat ang pagkakagalit nina Ara at Cristine noong 2012 dahil sa pagbabayad sa bahay ng kanilang ina na pinagtulungan nilang bilhin.

Continue reading below ↓

Hindi umano magkasundo ang magkapatid sa halaga ng hatian sa bayad sa bahay.

Dahil sa masasakit na salita na binitawan ni Cristine laban sa kanya sa text messaging, nagsampa si Ara ng reklamong libel at grave coercion ang kapatid.

Pero kalaunan ay iniurong ito ni Ara at nagkasundo silang magkapatid.

ARA MINA: IT'S HARD TO JUDGE

Samantala, tumanggi si Ara na magbigay ng komento o payo sa Barretto sisters dahil hindi naman daw niya alam kung anong pinanggalingan ng gulong ito.

Pahayag niya, “Hindi ko naman kasi alam kung ano yung pinanggalingan nila, kung ano yung pinagdaanan nila. It’s hard to judge.

“Kilala ko sila, pero wala akong close sa kanila, kaya hindi ako maka-comment.

“I’ll pray na lang na matapos na yung isyu nila na…

“Pero in the end kasi, magkakapatid pa rin sila, magkadugo pa rin.

“Kasi ganun din yung pakiramdam ko na akala ko hindi na kami magkakabati ng kapatid ko.

Continue reading below ↓

“‘Tapos si Cristine, humingi ng tawad sa akin.

“Pero siyempre, yung paghingi niya ng tawad, hindi na naka-televise yun.

“As in na parang pelikula yung paghingi niya ng tawad… as in ito na yung pinagpi-pray ko na magkaayos kami, kasi pareho kaming ma-pride e.”

UNFORGETTABLE

Napangit si Ara nang sabihin naming parang eksena rin sa Unforgettable nang mag-sorry sa kanya si Sarah.

Ginagampanan ni Ara sa pelikula ang role bilang ate si Sarah na isang autistic.

Nasa spectrum ng autism ang karakter na ginagampanan ni Sarah kung saan napaka-retentive ng memory, napakatotoong sumagot, kaya lang hindi marunong mag-sorry.

Iyon ang itinuturo sa kanya ng lola niya, na ginagampanan naman ni Gina Pareño, na dapat matuto siyang humingi ng sorry.

Pero sa isang mahalagang eksena sa pelikula, nag-sorry si Sarah kay Ara.

Touching ang eksenang iyon na nagkakaiyakan sila, kasama ang isa pa nilang kapatid na si Meg Imperial.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ara, humugot siya sa nangyari sa kanila ni Cristine nang ginawa nila ang eksenang iyon.

“Ramdam na ramdam ko rin yung pagiging ate ko dito sa movie na ‘to.

“Kaya paglabas ko ng sinehan, ‘O, ang galing mo…’ natuwa naman ako kasi may pinaghugutan ako bilang ate,” pakli ni Ara.

Ipinagmamalaki ni Ara ang Unforgettable na first time nilang pagsasama ni Sarah sa pelikula.

“Magugustuhan ito ng mga pet lovers, at yung mga hindi rin mahilig sa pets, mata-touch sa movie na ‘to,” sabi niya.

Mapapanood ang Unforgettable, na isinulat at idinirek ni Jun Lana, simula bukas, October 23.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on Barretto sisters feud: "In the end kasi, magkakapatid pa rin sila, magkadugo pa rin. Kasi ganun din yung pakiramdam ko na akala ko hindi na kami magkakabati ng kapatid ko. ‘Tapos si Cristine, humingi ng tawad sa akin."
PHOTO/S: Ara Mina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results