Gretchen Barretto calls sister Marjorie "ichy-very"; denies she was hysterical at father's wake

by Rachelle Siazon
Oct 22, 2019
Gretchen Barretto (left) claims she couldn't visit her father Miguel Barretto when he got confined to the hospital because of sister Marjorie (right); insists that Marjorie was to blame for alleged dispute between their parents on the day Miguel was hospitalized.
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Inalmahan ni Gretchen Barretto ang akusasyon ni Marjorie Barretto na ang socialite-actress ang nagwala sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto noong gabi ng October 16.

Ito ay matapos ihayag ni Marjorie na si Gretchen ang nagkaroon ng "nervous breakdown" nang sabunutan at sinipa umano ng huli ang pamangkin nilang si Nicole Barretto.

Habang si Marjorie ay masinsinang kausap umano si President Rodrigo Duterte, na siya ring naglayo kay Marjorie mula kay Gretchen at sa mga nangyaring komosyon.

Base sa kanyang Instagram Stories ngayong Martes ng gabi, October 22, pahayag ni Gretchen (published as is):

"I have replied point by point regarding Marjorie ichy-very & the incident during the wake.

"Videos will be uploaded.

"Listen to the video carefully you will hear Marjorie voice"

Continue reading below ↓

MARJORIE'S ALLEGED FUMING STANCE

Sinundan ito ni Gretchen ng dalawang panibagong videos na kuha sa burol ng kanilang ama noong October 2016.

Sa Instagram video, makikitang kinakausap ni Marjorie ang natukoy na tatlong kaibigan ni Gretchen na naroon din sa lamay at nakatayo malapit sa pintuan ng chapel.

Malakas ang audio ng kantang pinatutugtog sa loob ng chapel noong mga oras na iyon.

Pero ayon kay Gretchen, sinabi raw ni Marjorie sa tatlo niyang mga kasama "AT NAGPAGAMIT DIN KAYO KAY GRETCHEN."

Giit ni Gretchen, "From the time i arrived at the wake, Marjorie is evidently FUMMING."

Pagkatapos ay naglakad si Marjorie at nadaanan ang umpukan nina Gretchen, bunsong kapatid na si Claudine, ina nilang si Inday, at ang nakikiramay na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila umiwas si Marjorie at saka pumuwesto sa bandang gilid ng chapel.

Continue reading below ↓

GRETCHEN'S RECONCILIATION WITH MOMMY INDAY

Sa hiwalay na Instagram post, ipinakita naman ni Gretchen ang video kunsaan madamdamin silang magkausap ni Mommy Inday.

Makikitang umiiyak si Gretchen at maya-maya pa ay yumakap sa ina habang magkaharap sila sa upuan.

Katabi ni Gretchen si Claudine na nakayakap at hinahaplus-haplos sa ulo ang socialite-actress na matagal na nawalay sa ina.

Anim na taon ang nakararaan mula nang magpalitan ng masasakit na salita sina Gretchen at Mommy Inday dahil sa sigalot sa kanilang pamilya.

"This was a lovely, precious moment, it was about forgiveness, love & a promise to protect our new found mother / daughter relationship.

"It was a great opportunity to mend all the nasty words thrown to eachother.

"It was a dream come true for me to finally hear the words i love you from my mother ( something i thought i would never hear till the day of our last breath.

"Words is not enough to express the feeling ( the blessing)."

Continue reading below ↓

Depensa ni Gretchen, bakit daw siya gagawa ng eksena gayong maayos ang pag-uusap nila ng kanilang ina na matagal na panahon niyang nakaaway.

"this emotion is not the kind to EXPLODE TO A HYSTERICAL STATE as BEING CLAIMED BY MARJORIE ITCH -Very," patutsada ni Gretchen kay Marjorie.

Ang "ITCH -VERY," na naunang nabanggit ni Gretchen bilang "ichy -very," ay malinaw na pasaring ni Gretchen sa relasyon ni Marjorie at ng dating Caloocan Mayor na si Recom Echiverri.

Continue reading below ↓

GRETCHEN CLAIMS MARJORIE CAUSED PARENTAL DISPUTE

Sa huli, pinabulaanan ni Gretchen ang pagkuwestiyon ni Marjorie na kung totoong sincere si Gretchen sa pakikipag-ayos ay ginawa na raw sana nito nang walang nakaharap na media at noong naospital pa lang ang kanilang may sakit na ama.

Dire-diretso pang depensa ni Gretchen (published as is):

"I was not allowed to go to the hospital because of your outbursts & because there will be more tension for me to see EX MAYOR ECHIVERRI ( who claudine will file a molestation case against right after the 40 th day .

"The attack of your father , as you say happened ( as told to me by our mother is because you ARRANGED a lunch party for dad to spite mom for being on claudine side( you did not invite mom & that caused a huge dispute between our parents & the rest is history."

Diin pa ni Gretchen, halatang puno ng galit, inggit, at kapranigan diumano si Marjorie sa bintang nito na "orchestrated" at "bait-baitan" ang pagpunta niya sa burol ng kanilang ama.

Continue reading below ↓

Kalakip ng pahayag ni Gretchen ang video clip ng panayam kay Marjorie ng broadcaster na si Karen Davila sa ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol.

Mensahe ni Gretchen kay Marjorie: "Lets stick to each point so people will better understand THE TRUTH) fyi/ RELAX YOU ARE RADIATING WITH SO MUCH ANGER & ENVY & HIGHLY PARANOID.

"( I DO NOT HAVE THE POWER TO ORCHESTRATE A GRAND ENTRANCE WITH THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES

"PRRD WAS KIND ENOUGH TO OFFER TO SEE ME AT THE WAKE & Only then , i was hoping you COULD CONTROL YOUR ANGER & overwhelming FEAR OF THE TRUTH."

Ang tinutukoy ni Gretchen na PRRD ay si President Rodrigo Roa Duterte.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) claims she couldn't visit her father Miguel Barretto when he got confined to the hospital because of sister Marjorie (right); insists that Marjorie was to blame for alleged dispute between their parents on the day Miguel was hospitalized.
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results