Marjorie Barretto vehemently denies peddling her children to rich businessmen

by Erwin Santiago
Oct 22, 2019
Marjorie Barretto on allegation that she is peddling her daughters to rich businessmen: “I understand where this is coming from. Maybe they think the mother’s a mistress. And maybe they think she’s a mistress for money. But that’s not the truth... I’m not a mistress for money."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

"My children are not for sale."

Ito ang mariing pahayag ni Marjorie Barretto kaugnay ng alegasyong inilalako niya diumano ang kanyang mga anak na babae sa mayayamang businessmen.

Kaugnay pa rin ito ng tumitinding alitan nila ng mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto na muling sumiklab sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong nakaraang linggo.

Sa eksklusibong panayam ni Marjorie kay Karen Davila na umere sa TV Patrol ng ABS-CBN ngayong Martes ng gabi, October 22, isa sa mga itinanong sa kanya ay tungkol sa kumakalat na balitang inilalako niya umano ang kanyang mga anak sa mga mayayamang negosyante.

Mariing pahayag ni Marjorie, “My children are not for sale.

“I don’t even have very much wealthy friends to sell my children to.

“My children work very, very hard.

“My youngest daughter is a good student in college in Ateneo. Matitino po ang mga anak ko."

Continue reading below ↓

Si Marjorie, 45, ay may limang anak mula sa tatlong lalaki.

Ang panganay niyang si Dani ay anak ni Marjorie mula sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak niya sa dating asawa na si Dennis Padilla.

Sa parehong panayam ay inamin ni Marjorie sa kauna-unahang pagkakataon na ang ama ng kanyang bunsong anak ay ang dating mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri, na kinakasama niya ngayon.

Si Echiverri ay hindi pa hiwalay sa kanyang legal na asawa.

Patuloy ni Marjorie, “I understand where this is coming from.

“Maybe they think the mother’s a mistress. And maybe they think she’s a mistress for money.

“But that’s not the truth, Karen. I’m not a mistress for money."

Patuloy niya, “Kaya libre-libre sila babuyin yung mga anak ko, ‘Oh, if the mom is like this, then all the daughters are like this.’ But no.

Continue reading below ↓

“I’m making this announcement—my children are not for sale."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto on allegation that she is peddling her daughters to rich businessmen: “I understand where this is coming from. Maybe they think the mother’s a mistress. And maybe they think she’s a mistress for money. But that’s not the truth... I’m not a mistress for money."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results