Joaquin Domagoso passes on Prima Donnas to prioritize his studies

by Rommel Gonzales
Oct 24, 2019
Joaquin Domagoso on following the footsteps of his father, Manila Mayor Isko Moreno, in politics: “Ang bata ko pa, bakit ko iisipin agad 'yan?”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Conflict sa school schedule ang dahilan kaya hindi natuloy si Joaquin Domagoso, 16, sa Kapuso drama series na Prima Donnas.

Ayon sa anak ni Manila Mayor Isko Moreno, “Siyempre, sabi ng dad ko, hindi ko puwedeng pabayaan ang pag-aaral ko.

“Sabi niya, I have to go to campus for school.

"There was a plan na I’m supposed to go online classes sa school.

"Kasi, may program silang parang ganun, where I can do that.

“But when it came to enrolment, sabi ng dad ko, no, I have to go to campus.

"So, hinintay namin yung school schedule ko.

"'Tapos, nung lumabas yung school schedule ko—Monday, Wednesday, Thursday.

“And yung schedule for Prima Donnas, Monday, Wednesday, Friday.

"So iyon, hindi hindi puwede, may conflict."

Si Joaquin sana ang magiging kapareha ni Jillian Ward sa Prima Donnas.

Bagay pa naman sana sila ni Jillian na onscreen loveteam.

“Oo nga e,” ang pagsang-ayon ni Joaquin.

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joaquin noong October 15, Martesm sa Simon’s Place Restobar.

STUDIO 7

Naudlot man sa Prima Donnas, napapanood naman si Joaquin sa Studio 7 ng GMA Network.

May mga dance prod si Joaquin sa naturang musical-variety show.

Parang siya ang pumalit kay Rayver Cruz na pansamantalang inalis sa Studio 7 dahil inilagay na host ng The Clash Season 2.

Idolo ni Joaquin si Rayver sa pagsasayaw.

“Rayver’s a good dancer, oh my gosh, he’s amazing talaga!

"When he dances, ang laki, may suwabe, kuhang-kuha yung mga moves.

“Pinapraktis talaga ni Rayver, kapag nasa side [ng stage ng Studio 7], makikita mo siya, pinapraktis niya talaga.

"Kasi, yung mga moves niya, mabilis din, e.”

Tuwing Martes ang taping ng Studio 7 kaya walang conflict sa pag-aaral ni Joaquin.

Enjoy siya na maging parte ng naturang show.

“Ngayon, ito ang pinakapaborito kong ginagawa ko.”

Continue reading below ↓

ON CASSY LEGASPI

Kasama sa Studio 7 ang kambal na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Kinumusta namin kay Joaquin ang pakikipagtrabaho niya kay Cassy.

“She’s a nice girl,” nakangiting wika ni Joaquin.

“I enjoy working with Cassy a lot. Nakaka-enjoy ako being with them, all the time!”

Okay ang bonding nila ng twins sa set ng Studio 7. Pero hindi pa raw sila nakakagimik na magkakasama.

Attractive ba si Cassy para kay Joaquin?

“Yeah, of course!”

May cellphone number ba siya ni Cassy?

“No. In our generation, we don’t do numbers.

“Facebook. Instagram. DM-DM [IG direct messaging].”

LAUNCHING MOVIE

May launching movie na si Joaquin, ang Jolly Spirit Squad, kung saan ang gumanap na ina niya ay si Lotlot de Leon.

Kumustang katrabaho ang beteranang aktres?

“Oh my gosh, inspiring! She actually helped me, she gave me advice, like, ‘Gusto mo ba talagang gawin ito? Is this [acting] what you really want? What’s making you do this?’

Continue reading below ↓

“Parang ganun. She sent me in a direction po.

“Because of that, I feel, like, I’m more connected to acting, to what I am doing.

"So, iyon talaga ang nag-help sa akin, yung pep talk niya sa akin, yung mga advice niya, na kung ito talaga ang gusto ko, mahalin ko.”

Kaya raw sa isang eksenang confrontation nila ni Lotlot ay totohanang napaiyak si Joaquin.

Bukod sa pag-aartista ay nais ni Joaquin na maging businessman.

Ayaw niyang maging mayor katulad ng kanyang ama?

“Ang bata ko pa, bakit ko iisipin agad 'yan?” at tumawa si Joaquin.

Hindi rin naman agad inisip ni Isko na pasukin ang pulitika.

“Yeah, ako rin, but right now, hindi pa plano ‘coz that’s a long-term plan.”

Kung tadhana niya ang maging pulitiko, tatanggapin ba niya?

“Yeah,” tugon ni Joaquin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso on following the footsteps of his father, Manila Mayor Isko Moreno, in politics: “Ang bata ko pa, bakit ko iisipin agad 'yan?”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results