Gretchen Barretto throws shade at Ruffa Gutierrez over comment on Julia's IG post

by Arniel C. Serato
Oct 23, 2019
Ruffa Gutierrez's "freshhhhhh" comment on Julia Barretto's Instagram account irked Gretchen Barretto who told her not to meddle with their family feud.
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @juansarte on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagsanga-sanga na ang away ng Barretto sisters.

Nasa kalagitnaan ng isang giyera ngayon ang pamilya Barretto—sangkot ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine, at ang mga pamangkin nilang sina Nicole at Julia.

Tila wala na ring pinapalampas si Gretchen sa mga komento ng netizens—ordinaryo man o celebrity—na hindi niya nagugustuhan.

Ngayong hapon ng Miyerkules, October 23, ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) ang screenshot ng larawan ni Julia na nai-post ng nakababatang Barretto kaninang umaga.

Nakalagay sa caption ni Julia: “Goodmorning selfies.”

Continue reading below ↓

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Julia ay ang aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

Mensahe ni Ruffa: "Freshhhhhh (starstruck emojis)"

Hindi nakaligtas ang komentong ito ni Ruffa sa paningin ni Gretchen.

Sa post ni Gretchen sa kanyang IG Stories, binilugan niya ng pula ang komento ni Ruffa.

Continue reading below ↓

Pinasaringan pa ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw umano.

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more

“Ruffy!! take it take it

“WOW!!”

RUFFA’S CRYPTIC POST

Makalipas ang ilang minuto, nag-post si Ruffa ng cryptic message sa kanyang Instagram account, kalakip ang kanyang glamorosang larawan.

Mensahe niya: “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF.”

Continue reading below ↓

Sinamahan niya ito ng glowing star at sparkle emojis, na may hashtags na “#HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes

Base sa comments section, tila alam ng mga kaibigan at followers ni Ruffa ang tungkol sa “Freshhhhhh” comment niya sa post ni Julia.

May ilan kasi sa kanila ang nagkomento ng kahalintulad na salita.

Continue reading below ↓

Ang orihinal na komento ni Ruffa sa account ni Julia ay may mga komento na rin mula sa netizens na tila nagpapahiwatig sa komento ni Gretchen sa IG Stories nito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pinayuhan naman si Ruffa ng kanyang ina na si Annabelle Rama na huwag nang pumatol dahil nagsasayang lamang daw siya ng kanyang “precious time.”

Payo pa ni Annabelle sa panganay na anak, “Tama, huwag mo na patulan ‘yan.

"Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!”

Tugon ni Ruffa sa ina, “@annabelleramaig is this really you mother dear? I love you too awwww? THANK YOU. #family"

Continue reading below ↓

1994 MANILA FILM FEST SCANDAL

Halos magkakontemporaryo sina Gretchen, 49, at Ruffa, 45, na pumasok sa showbiz noong 1980s.

Nasangkot ang dalawa sa itinuturing na isa sa pinakamalaking eskandalo sa Philippine showbiz—ang 1994 Manila Film Festival scandal.

Sa awards night noong June 1994, minanipula ng talent manager na si Lolit Solis ang resulta ng Best Actor at Best Actress categories.

Sa halip na si Aiko Melendez ang nanalo sa Best Actress category, si Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Kasama ni Viveka na nag-present ng award ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez at si Gretchen, na kitang-kita sa camera ang pagkagulat nang ibang winner ang inanunsiyo.

Sa Best Actor naman, imbes na si Edu Manzano ay si Gabby Concepcion ang idineklarang nanalo.

Prized talent noon ni Lolit si Gabby.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring scam, at naging star witness pa si Gretchen.

Kalaunan, isinoli nina Ruffa at Gabby ang kanilang awards.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez's "freshhhhhh" comment on Julia Barretto's Instagram account irked Gretchen Barretto who told her not to meddle with their family feud.
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @juansarte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results