Annabelle Rama hits back at Gretchen Barretto for calling Ruffa Gutierrez "sawsawera"

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2019
Annabelle Rama (left) posted a strongly-worded message on her Instagram account supposedly meant for Gretchen Barretto (center), who called the former's daughter Ruffa Gutierrez (right) "sawsawera." The former actress deleted her post a few moments later.
PHOTO/S: Courtesy: @annabelleramaig / @juansarte / @iloveruffag on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Pagkatapos sabihan ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa Gutierrez na huwag pansinin ang patutsada ni Gretchen Barretto, mismong ang Gutierrez matriarch ang bumuwelta kay Gretchen.

Hindi napigilan ni Annabelle ang sarili na idepensa si Ruffa dahil sa pagdawit ni Gretchen sa kanyang panganay at kaisa-isang anak na babae sa sumisiklab na away ng pamilya Barretto.

Nag-ugat ito nang magkomento si Ruffa sa selfie post ni Julia Barretto sa Instagram kahapon, October 23.

Napaka-harmless na komento ni Ruffa sa post ng pamangkin ni Gretchen: "Freshhhhhh."

Ngunit tila minasama ito ni Gretchen at pinatutsadahan si Ruffa.

ANNABELLE TO GRETCHEN: "KAWAWA KA NAMAN..."

Sa kanyang Instagram account kagabi, October 23, binuweltahan ni Annabelle si Gretchen kaugnay ng patutsada nito sa kanyang anak na si Ruffa.

Kalakip ang larawan ng Annabelle doll mula sa horror film na The Conjuring (2013), nagparinig siya tungkol sa isang taong wala na diumanong kakampi, na isinusumpa na ng buong mundo.

Continue reading below ↓

Bahagi ng caption ni Annabelle sa hindi pinangalanang tao: “Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka.”

Sa sumunod niyang pahayag, malinaw na si Gretchen ang pinatatamaan ni Annabelle dahil binanggit niya rito ang "comment ng anak ko" na dahilan ng pagwawala ng taong tinutukoy niya.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Annabelle: “Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang magcomment ng positive?

"Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?!"

Dagdag pa ni Annabelle, dapat daw magalit si Gretchen sa mga taong nag-upload ng larawan nila ng “boyfriend” nito mula sa airport hanggang sa eroplano.

Tugma namang nag-viral kahapon ang lumang larawan ni Gretchen at ang diumano’y karelasyon nitong negosyanteng si Atong Ang na kuha sa loob ng eroplano, kung saan magka-holding hands sila habang natutulog.

Saad pa ni Annabelle: “Dapat kang magalit sa mga nagpost ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa’yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!”

Continue reading below ↓

Binura ni Annabelle ang kanyang post makalipas ang ilang segundo.

Ngunit, may ilang netizens ang naka-screenshot ng kanyang post at ibinahagi sa social media.

GRETCHEN: “SAWSAW PA MORE”

Ipinagtaka ng maraming netizens kung bakit biglang nakasama sa mga ipinost ni Gretchen sa kanyang IG Stories kahapon, October 23, ang komento ni Ruffa sa selfie post ni Julia.

Pinasaringan pa ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw umano sa away ng kanilang pamilya.

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more

“Ruffy!! take it take it

“WOW!!”

Continue reading below ↓

Ang “take it, take it” ay linyang sumikat noong nangyari ang isa marahil sa pinakamalaking eskandalo sa Philippine showbiz—ang 1994 Manila Film Festival scandal.

Sa awards night noong June 1994, minanipula ng talent manager na si Lolit Solis ang resulta ng Best Actor at Best Actress categories.

Sa halip na si Aiko Melendez ang nanalo sa Best Actress category, si Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Kasama ni Viveka na nag-present ng award ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez at si Gretchen, na kitang-kita sa camera ang pagkagulat nang ibang winner ang inanunsiyo.

Paliwanag naman ng namayapa nang si Viveka sa panayam nito noong 1994, ang pagsabi niya ng "Take it, take it!" ay hindi tungkol sa fake envelope na dapat isuksok ni Rocky sa kanyang bulsa kundi ang trophy na ibibigay kay Ruffa.

Sabi ni Viveka kay Ricky Lo sa "Funfare" column nito sa The Philippine Star noong June 27, 1994, "Everybody has been asking me that question.

Continue reading below ↓

"You know after we said, 'The winner is…,’ he was supposed to give the trophy to the winner.

"When I said, ‘Take it, take it!’ I was referring to the trophy for him to give it to Ruffa.”

Sa Best Actor naman, imbes na si Edu Manzano ay si Gabby Concepcion ang idineklarang nanalo.

Prized talent noon ni Lolit si Gabby.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring scam, at naging star witness pa si Gretchen.

Kalaunan, isinoli nina Ruffa at Gabby ang kanilang awards.

Nauna na rito, isang cryptic post naman ang ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram account na maaring parunggit din niya sa pasaring ni Gretchen sa kanya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama (left) posted a strongly-worded message on her Instagram account supposedly meant for Gretchen Barretto (center), who called the former's daughter Ruffa Gutierrez (right) "sawsawera." The former actress deleted her post a few moments later.
PHOTO/S: Courtesy: @annabelleramaig / @juansarte / @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results