Jon Gutierrez hugs wife Jelai Andres months after he allegedly cheated on her

by Rachelle Siazon
Oct 24, 2019
At their face-to-face meeting, Kapuso star Jelai Andres attempts to sing a song for her husband and Ex Battalion rapper Jon Gutierrez: "Sana nag-reflect lahat sa 'yo... Luko-loko... Pero sige, nami-miss din kita."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram

Nagkita na ang mag-asawang Jelai Andres at Jon Gutierrez pitong buwan mula nang pumutok sa social media ang kontrobersiyal nilang hiwalayan dahil sa pambababae umano ng Ex Battalion rapper.

Sina Jon at Jelai ay kilala sa tambalang JoLai, na may 926,000 subscribers sa kanilang YouTube Channel.

Si Jelai ay may 2.1M followers sa Facebook, at may 1.6M followers din si Jon sa sarili niyang account.

Napapanood din si Jelai sa GMA-7 romantic-comedy series na One of the Baes.

Noong Linggo, October 20, nag-guest si Jelai sa isang meet-and-greet event ng kasirkulo nilang YouTube vlogger na si Zeinab Harake.

Panay ang tukso ni Zeinab, pati na rin ng audience, kung posible bang makipagbalikan si Jelai kay Jon.

Masiglang pahayag ni Jelai:

"Friends kami ni Jon.

"Kung meron mang comeback, sa akin manggagaling. Kaya 'wag kayong echosera, ha!

"Ako mismo, hindi ko itatago yun, kasi mag-asawa naman kami."

Kinikilig na naghiyawan ang mga manonood, pero sabi ulit ni Jelai, "Wala pa. Siyempre naghi-heal lang ako."

Continue reading below ↓

CHEATING ISSUE

March 2019 nang maisapubliko ang diumano'y pakikipagrelasyon ni Jon sa dancer na si Toni Fowler, na minsan na ring naugnay sa rapper noong 2016.

Naging mitsa ito upang makipaghiwalay si Jelai kay Jon gayong kakakasal lang ng mga ito noong October 2018.

Pero noong April 2019, inamin ni Jon na malaki ang pagkakamaling nagawa niya kay Jelai at gagawin daw niya ang lahat upang magkaayos sila.

Base sa kilos ngayon ni Jelai, tila unti-unti na niyang napapatawad si Jon.

Pero may pasaring si Jelai sa mga mang-aagaw ng karelasyon.

Sigaw ni Jelai: "Okay lang marupok, huwag lang kabit!"

JON AND JELAI'S KILIG BANTER ON STAGE

Maya-maya pa ay sorpresang dumating sa event ang mister ni Jelai na si Jon, na kilala rin bilang King Badger.

Noong una ay nasa bandang likuran lang ng stage si Jon, habang siniguro ni Zeinab kung okay lang ba kay Jelai na makaharap nito ang Ex Battalion rapper.

Continue reading below ↓

Waring hindi mapakali si Jelai at saka napangiti nang tuksuhin na namumula siya.

Nang sumenyas si Jelai ng finger heart, saka tuluyang humarap sa stage si Jon.

Game namang nakipagkulitan si Jelai at pumasan pa sa likuran ni Jon habang sumisigaw ng "Sakyan mo na lang!"

Tukso pa ni Jelai kay Jon, "Uy, gustung-gusto niya."

"Kinikilig ako," pag-amin naman ni Jon.

Tanong ni Jelai, "Sino nagsabi na pumunta ka dito? Bakit ka nandito?"

Sagot ni Jon, "Nami-miss kasi kita... Ito lang yung way para makita ka, e."

Continue reading below ↓

Panay ang hiyawan ng audience dahil sa nito lang ulit nagkaharap ang tambalang JoLai.

Paulit-ulit ding pinapatugtog ang kanta ni Jon na "Walang Gana" na may lyrics na "Miss ko nang tawagin mong asawa."

Wala man daw siya sa tono, sinubukan ni Jelai kumanta, na ang lyrics ay "Sana nag-reflect lahat sa 'yo... Luko-loko... Pero sige, nami-miss din kita."

Pero binawi rin ni Jelai at sinabing, "Joke! Joke lang!"

Continue reading below ↓

NO RECONCILIATION YET

Sa gitna ng kanilang katuwaan, nilinaw ulit ni Jelai na hindi pa sila nagkakabalikan ni Jon.

"Friends kami. Nag-uusap kami. Okay kami.

"Sa akin niyo malalaman. Wala pang comeback."

Hirit naman ni Jon, "Hindi natin minamadali. Pero..."

Bahagyang dumistansiya si Jelai kay Jon at saka tumuran ng "Uy, pawis na pawis ako! Grabe!"

Sa puntong ito, lumapit si Jon upang punasan ang pawis sa mukha ni Jelai, sabay yumakap si Jon sa asawa.

Mabilis ding naghiwalay ang dalawa.

Sabi naman ni Jelai, "Okay kami. Huwag kayong mag-alala."

Pagkatapos ay nagpaalam na si Jon, "Actually, hindi talaga ako parte dito. Pero andito kasi ang asawa ko."

Muling yumakap si Jon kay Jelai, at saka umalis na ng stage.

Continue reading below ↓

Nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos lumantad sa social media ng itinuturong third party sa kanilang relasyon na si Toni.

Isiniwalat ni Toni ang mga pribadong detalye ng ugnayan nila ni Jon noong 2016.

Magkasintahan pa lang noon sina Jon at Jelai, pero panandaliang nagkahiwalay ang dalawa dahil nahuli na ni Jelai noon na may ibang babae ang nobyo.

Naungkat muli ang eskandalo sangkot sina Jon at Toni nang maisapubliko na muli silang nagkita nitong February 2019.

Pero depensa ni Jon, walang namagitan sa kanila ni Toni at sumama lang daw ang rapper sa isang kaibigang rapper na inutangan umano ni Toni.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At their face-to-face meeting, Kapuso star Jelai Andres attempts to sing a song for her husband and Ex Battalion rapper Jon Gutierrez: "Sana nag-reflect lahat sa 'yo... Luko-loko... Pero sige, nami-miss din kita."
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results