Vice Ganda suffers food poisoning

by Jet Hitosis
Oct 24, 2019
In a tweet on Wednesday, October 23, comedian-TV host Vice Ganda shares that he suffered "severe stomach ache" because of food poisoning, days before her Magpasikat 2019 performance on Saturday, October 26, for It's Showtime's 10th anniversary week-long celebration.
PHOTO/S: Noel Orsal

Dumanas ng matinding pananakit ng tiyan ang comedian-TV host na si Vice Ganda dahil sa food poisoning nitong Miyerkules, October 23.

Pero muli na siyang nagbalik-trabaho at napanood na uli sa It's Showtime ngayong Huwebes, October 24.

Sa kanyang tweet kahapon ng tanghali, napa-“Help me good Lord!” ang It’s Showtime host dahil sa pagkalason umano sa kanyang kinain.

Tweet ni Vice: “Food poisoned. Severe stomach ache. Help me good Lord!”

Dahil dito, dumagsa ang “get well soon” messages ng mga nag-aalalang fans ni Vice.

May 12.8 million followers si Vice sa Twitter.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Komento pa ng ilan, iyon pala ang dahilan kaya hindi napanood sa Kapamilya noontime show si Vice kahapon.

Wala namang detalye kung ano ang kinain ni Vice at kung kinailangan pa siyang dalhin sa ospital para magpagamot.

Ayon sa webmd.com, ang food poisoning ay dulot ng pagkonsumo ng pagkaing kontaminado ng bacteria, virus, o parasite.

Continue reading below ↓

Kabilang sa sintomas nito ang matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, at diarrhea, na maaaring tumagal nang ilang oras o ilang araw, depende sa immune system ng pasyente.

Importanteng kaagad na malunasan ang food poisoning, dahil delikado itong mauwi sa dehydration, ayon pa rin sa webmd.com.

VICE APPRECIATES FANS’ PRAYERS

Samantala, bandang 9:34 kagabi, muling nag-tweet si Vice ng pasasalamat sa kanyang fans na abut-abot ang pag-aalala at pagdarasal para sa agaran niyang paggaling.

Tweet ni Vice: “Thanks so much! I appreciate it!!!!”

Nagpasalamat din naman ang fans ni Vice na maayos na muli ang lagay ng komedyante.

Komento naman ng ilan niyang Twitter followers, dapat unahin muna ni Vice ang pagpapagaling kaysa ang paghahanda sa pagsalang niya sa "Magpasikat 2019" sa Sabado, October 26.

Continue reading below ↓

IT’S SHOWTIME’S 10TH YEAR

Sa "Magpasikat 2019" week, nagkani-kanyang grupo ang mga host para sa bonggang production number sa bawat isa sa magkakasunod na limang araw.

Unang sumalang nitong Martes (October 22) sina Anne Curtis at Amy Perez, habang sina Karylle at Ryan Bang naman ang nagpasikat kahapon (October 23).

Susunod na magpapakitang-gilas sa kani-kanilang anniversary performances sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Vhong Navarro.

Si Vice naman ang solong magpe-perform sa Sabado.

Ang "Magpasikat 2019" ay bahagi ng selebrasyon ng 10th anniversary ng It’s Showtime.

October 24, 2009 nang unang umere bilang ABS-CBN noontime show ang It’s Showtime, na ang original hosts ay sina Vice, Anne, Vhong, Jugs, Teddy, at Kim Atienza.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tweet on Wednesday, October 23, comedian-TV host Vice Ganda shares that he suffered "severe stomach ache" because of food poisoning, days before her Magpasikat 2019 performance on Saturday, October 26, for It's Showtime's 10th anniversary week-long celebration.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results