Ruffa Gutierrez denies mocking Gretchen Barretto on IG post about family

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2019
Ruffa Gutierrez honors mom Annabelle Rama (left) in latest Instagram post after figuring in social media squabble with Gretchen Barretto (right).
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @gretchenbarretto on Instagram

May pinasasaringan ba si Ruffa Gutierrez sa dalawang magkasunod na posts niya sa Instagram ngayong Huwebes, October 24?

Kapansin-pansing pareho itong may hashtags na #FamilyLove, na nagpapahiwatig na kahit may alitan sila sa pamilya paminsan-minsan, hindi naman sila nagkawatak-watak.

Hindi lingid sa karamihan ang away-bati na relasyon ni Ruffa sa kanyang inang si Annabelle Rama.

Ngunit, nagkakabati naman sila kalaunan.

Sa kabilang banda, matagal nang may alitan ang Barretto family, partikular na ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Para sa mga sumusubaybay sa away ng pamilya Barretto, ikinagulat ng marami na biglang idinamay ni Gretchen sa eksena si Ruffa sa post nito sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) kahapon, October 23.

Ito ay bunsod ng komentong "freshhhhhh" ni Ruffa sa selfie post ni Julia Barretto, anak ni Marjorie na parehong kagalit ngayon nina Gretchen at Claudine.

Dahil sa pagtawag ni Gretchen kay Ruffa na “sawsawera,” ipinagtanggol ni Annabelle ang anak.

Continue reading below ↓

Pasaring ni Annabelle kay Gretchen, halos wala na raw itong kakampi sa buhay at tila isinusumpa na halos ng buong mundo.

“I LOVE YOU FAMBAM!!”

Sa unang Instagram post ni Ruffa, ibinahagi niyang masaya siya sa kanyang pamilya.

Kahit daw may mga hindi sila pagkakaunawaan minsan, nananatili silang nagtutulungan at nagmamahalan.

Saad pa ni Ruffa, “Waking up today with a grateful heart.

“Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family.

"Masaya, minsan nagkakatampuhan, maingay (lalo na si mommy) pero ang pinakaimportante nagtutulungan at nagmamahalan kami.

“I love you fambam!!

#Blessed #FamilyLove #HappyLife

Continue reading below ↓

Kahit binura agad ni Annabelle ang kanyang post sa Instagram na bumabatikos kay Gretchen, nagpasalamat naman si Ruffa dahil sa pagmamahal na ibinibigay ng ina sa kanilang pamilya.

Bilang pagpupugay sa nalalapit na ika-67 kaarawan ng ina, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ruffa sa Instagram para kay Annabelle.

Mensahe ni Ruffa: “Ang ina ang ilaw ng tahanan, gumagabay sa mga anak, ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip.

“In 7 days, my mom @annabelleramaig celebrates her birthday.

“Today I would like to honor her and say that i am proud to be Annabelle’s daughter.

“A fiercely loyal wife, mother and friend.

“Thank you for all that you do for our family. Nag-iisa ka.

#AnnabellesDaughter #motherhood #familylove

Continue reading below ↓

ARE RUFFA'S POSTS INDIRECTLY MOCKING GRETCHEN?

Sa kanyang IG Stories, sinabi naman ni Ruffa na walang tigil ang kanyang telepono sa kaka-ring at kakatunog ng text messages na tila nakikisimpatiya at nagmamahal sa kanya.

Sabi pa ni Ruffa: “Goshhh both my phones are beeping, ringing…

“Wait lang friends ha!

“I know you love me but babalikan ko kayo.

“I’ll have my coffee first.”

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang nagsabing tila may pinasasaringan siyang tao sa kanyang post.

Sabi ni @ellengayona, “Your mocking somebody.”

Tanggi ni Ruffa: “@ellengayona definitely not.

“It’s a post sharing how much I love my family.

"Im sure Pinoys can relate.

“Hindi perfect Pero nagmamahalan.”

Continue reading below ↓

Nagkomento naman sa kanyang post ang kapwa aktres na si Dawn Zulueta ng heart, heart at clap emojis.

Tugon ni Ruffa kay Dawn: “@dawnzulueta I love you Dawn! You are the epitome of a woman with grace, class and a beautiful soul.”

Sabi naman ni Mariel Rodriguez-Padilla, mahal niya ang pamilya Gutierrez.

Continue reading below ↓

Sagot ni Ruffa: “I love you and the padilla’s more!”

Samantala, wala pang bagong posts si Gretchen na kasalukuyang nasa San Francisco, California.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez honors mom Annabelle Rama (left) in latest Instagram post after figuring in social media squabble with Gretchen Barretto (right).
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag / @gretchenbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results