Atong Ang slams Marjorie Barretto; speaks up about alleged affair with Nicole Barretto

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2019
Atong Ang on Barretto sisters' feud: "Ngayon, kung gusto niyong ituloy, mga artista naman kayo, e, di ituloy niyo. Pero suggestion ko lang, tigilan niyo na. Nabababoy yung mga anak niyo."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol

#TheBarrettoFamilyFeud

Malumanay ang pagsasalita ng controversial businessman na si Charlie "Atong" Ang sa exclusive interview sa kanya ni Noli de Castro sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN, ngayong Huwebes ng gabi, October 24.

Pero umalingawngaw at matindi ang impact ng mensahe niya para kay Marjorie Barretto, na ang pamilya ni former Caloocan City Mayor Recom Echiverri ang dapat katakutan ng aktres, hindi siya.

Ito ay kaugnay ng pakiusap ni Marjorie na huwag itong sasaktan ni Atong dahil sa pagbubulgar niya sa TV Patrol noong Martes, October 22, na magkarelasyon si Atong at ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto.

Inamin ni Marjorie sa naturang panayam na si Echiverri ang ama ng kanyang bunsong anak, at mistress siya ng dating alkalde.

Mensahe ni Atong para kay Marjorie: "Kung may dapat kang katakutan, I think, yung pamilya ni Recom, kasi idineklara mong kabit ka.

"Aba’y dapat lang matakot ka, may mga anak yun."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng negosyante, "Kung ibinulgar mo ako, huwag kang mag-alala, sikat naman ako talaga.

"Ang daming nabubulgar tungkol sa akin kaya okey lang."

BARRETTO FAMILY FEUD

Nang tanungin ni Noli kung ano ang maipapayo niya sa mga Barretto, sinabi ni Atong na dapat nang magkasundo ang nag-aaway na magkakapatid.

"Sa inyong mga Barretto, since naging parang family ko kayo, kayo na, nilalahat ko na kayo, namatay na ang tatay niyo ngayon, nag-iisa na ang nanay niyo.

"Kapareho ko, ang nanay ko, mahal ko nanay ko. Inaalagaan ko ‘yan.

"Magtulong-tulong lang kayo, magbigay kayo ng pera, buhayin niyo, pilitin niyo na maka-survive ang nanay niyo."

Patuloy ni Atong, "Kaming magkakapatid, hindi kami magkakasundo, pero hindi kami naggaganyanan.

"Pabayaan niyong lumabas ang nanay niyo sa isang side. Pabayaan niyo yung kabila. Huwag kayong magsiraan.

"Pero kung ako kayo, magkabati-bati kayo."

Ngunit mayroon ding pasaring si Atong sa mga nag-aaway na Barretto sisters.

Continue reading below ↓

"Anyway, nakakatulong naman kayo. Nagkakaroon ng libangan yung mga tao.

"Ngayon, kung gusto niyong ituloy, mga artista naman kayo, e, di ituloy niyo.

"Pero suggestion ko lang, tigilan niyo na. Nabababoy yung mga anak niyo."

Sabi pa ng negosyante, "Kita mo, ikaw Marjorie, nasisira tuloy yung mga anak mo.

"May career pa naman ‘yang anak mo.

"Itago niyo na ‘yung mga ganyan. Nasisira, e.

"Hindi ka naman sisikat, Marjorie, o kayo Gretchen, hindi naman kayo...

"Kung mag-aaway kayo, pareho naman kayo na hindi na nag-aartista.

"Stop na ‘yan!"

ATONG ON RUMORED RELATIONSHIPS WITH CLAUDINE, GRETCHEN, nicole

Tahasan ding itinanggi ni Atong na may relasyon sila ni Gretchen at ex-girlfriend niya si Claudine.

Nang tanungin tungkol sa tunay na koneksiyon niya kay Nicole Barretto, ang pamangkin ng Barretto sisters na umamin na nagkaroon ng relasyon sa kanya, hindi sumagot si Atong ng oo o hindi.

"Kung sinasabi niya na naging girlfriend, wala naman problema roon.

Continue reading below ↓

"Siyempre, hindi naman tama sa lalaki, ako pa ang magsasabing girlfriend ko siya, di ba?

"Kung ganoon ang tingin ng mga tao, sige… ang tingin ng mga kamag-anak, sige, go, wala naman problema," pahayag ni Atong.

Nagsalita rin nang tapos si Atong na mapagmahal siya sa pamilya kaya hindi niya umano ipagpapalit sa kahit sinong babae ang kanyang mga anak.

"Mahal ko pamilya ko! Tandaan niyo ‘to, mga tao, mga anak ko, family man ako.

"Wala akong bisyo, hindi ko ipagpapalit maski kaninong babae ang pamilya ko!” deklara niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atong Ang on Barretto sisters' feud: "Ngayon, kung gusto niyong ituloy, mga artista naman kayo, e, di ituloy niyo. Pero suggestion ko lang, tigilan niyo na. Nabababoy yung mga anak niyo."
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results