Dennis Trillo wants to work with Kapamilya stars Sarah Geronimo, Bea Alonzo

by Bernie V. Franco
Oct 24, 2019
Kapuso actor Dennis Trillo (middle) says he hopes to work with Kapamilya stars Sarah Geronimo (left) and Bea Alonzo. Dennis and Bea became a love team in the 2002 Kapamilya youth-oriented show, K2BU.
PHOTO/S: Noel Orsal (Sarah, Dennis) / Mark Atienza (Bea)

A breath of fresh air.

Ganito inilarawan ng Kapuso actor na si Dennis Trillo, 38, ang pagkakataong makagawa ng proyekto sa ABS-CBN.

Si Dennis, na isang Kapuso, ay bida sa upcoming horror-thriller film na Hellcome Home na iprinodyus ng Star Cinema, ang film production outfit ng ABS-CBN.

“Masaya yung experience,” paglalarawan ni Dennis tungkol sa proyektong pinagbibidahan din nina Raymond Bagatsing, Alyssa Muhlach, at Beauty Gonzalez.

“Para kang nakaalis ng bahay mo para maglakad at lumanghap ng sariwang hangin.

“Kasi parang marami kang natututunan, marami kang nakikita, marami kang nae-experience.

“Ganoon din kapag nakakatrabaho ka ng mga artista na hindi mo madalas makita, at makasalamuha, at makatrabaho."

Learning experience daw ang makatrabaho ang mga artista mula sa kabilang TV network.

Ayon kay Dennis, “Masaya dahil mas marami kang options doon.

“Sa mga options na iyon, marami ka rin natututunan, 'tapos iba ang experience sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

“Very organized at professional lahat—from shooting, post-prod, pati pagdating sa mga promo… lahat organized.

"Kaya feeling ko, special palagi pag working with Star Cinema."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang bloggers si Dennis sa blog conference para sa Hellcome Home nitong Miyerkules, October 23.

DENNIS HOPES TO WORK WITH SARAH G. AND BEA

Inusisa si Dennis kung sino pa ang Kapamilya actress na gusto niyang makatambal.

Tugon niya, “Ang dami, e…

“Yun ang maganda sa ABS-CBN, Star Cinema, andami mong puwedeng pagpilian.

“Ang hirap mamili kasi ang daming magagaling."

Pero sa huli, sabi ni Dennis, “Siguro si Sarah Geronimo or Bea Alonzo.”

Bakit sina Sarah at Bea ang napili niya?

Aniya, “Bukod sa very pleasant silang dalawa, parang feeling ko sila yung [dalawa] sa mga pinakamagaling na napanood ko sa drama.”

Sa puntong iyon, ipinaalala kay Dennis na nagkatrabaho na sila noon ni Bea sa ABS-CBN youth-oriented show na K2BU.

Continue reading below ↓

“Ang tagal na noon, wala na yatang nakakaalala,” nangingiting sabi ni Dennis.

“Magkasabay kaming ni-launch [ni Bea] sa Star Circle.

“May ginawa kaming show.

“After noon, yun na yata yung last na ginawa namin.”

Umere ang K2BU noong 2002.

Magkatambal dito sina Bea at Dennis, na magkasama rin sa Star Magic Batch 10.

Continue reading below ↓

Nakasama rin nila sa show sina Pia Wurtzbach, Angelene Aguilar, Alwyn Uytingco, Adrian Albert, at Shaina Magdayao.

Bagamat nagsimula ang showbiz career ni Dennis sa ABS-CBN, lumipat siya sa GMA-7 noon ding 2002.

Mula noon ay hindi na raw sila nabigyan ng pagkakataong magkita ni Bea.

“Never akong nagkaroon ng chance na makita siya uli o makipagkuwentuhan.

“Sana soon or eventually….” Ani Dennis.

Sa posibilidad na muli silang magkatrabaho ni Bea, sabi ng aktor: “Why not? Oo naman. Sino bang ayaw makatrabaho ang magagaling na artista?"

Marami-rami na rin ang mga artistang nakatrabaho ni Dennis mula sa rival network.

Dream come true para sa kanya na makatrabaho si Maja Salvador sa 2015 movie na You’re Still The One.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong makatrabaho sina Kim Chiu at JC de Vera sa One Great Love (2018).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Dennis Trillo (middle) says he hopes to work with Kapamilya stars Sarah Geronimo (left) and Bea Alonzo. Dennis and Bea became a love team in the 2002 Kapamilya youth-oriented show, K2BU.
PHOTO/S: Noel Orsal (Sarah, Dennis) / Mark Atienza (Bea)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results