Matteo Guidicelli reacts to Sarah Geronimo being chosen as maid of honor in his sister's wedding 

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2019
Matteo Guidicelli says Sarah Geronimo is close not only to her sister Giorgia (right) but to all of his family members.
PHOTO/S: @isgfan Instagram

Sa loob ng mahigit anim na taon nilang relasyon, walang dudang kapamilya na rin ang turing kay Sarah Geronimo ng pamilya ni Matteo Guidicelli.

"Very close" daw si Sarah sa buong pamilya ng aktor.

Patunay raw nito ay si Sarah ang piniling maid of honor ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Giorgia Guidicelli.

Continue reading below ↓

"It's Giorgia's time. She's getting married in December.

"Sarah is the maid of honor. It's nice," pagbabalita ni Matteo.

Kinumpirma rin ng Kapamilya actor na bahagi si Sarah sa bridal shower ni Giorgia na ginanap noong September.

Bilang boyfriend, malaking bagay raw para kay Matteo na makitang maganda ang relasyon ni Sarah sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

"I was very touched. I don't know, overwhelming yung feeling.

"Ikaw yung maid of honor, you're part of the family, kumbaga.

"Sarah's a great person. She's gonna make my sister's wedding extra special."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo nang inanunsiyo ng Viva Films na ang aktor ang napiling lead actor sa pelikulang Penduko, noong October 22.

SARAH PICKS WEDDING SINGER

Hindi ba siya tinutukso ng mga kaanak na next na sila ni Sarah na maikasal?

Nangingiting sagot ni Matteo, "Hindi naman."

Hiningan din si Matteo ng reaksiyon sa balitang kinontrata na raw ni Sarah ang Kapamilya singer na si Jason Dy na siyang kakanta sa kasal nila ni Matteo pagdating ng panahon.

Sa tweet ni Jason noong October 22, makikita ang handwritten dedication ni Sarah sa poster ng The Voice of The Philippines kung saan isa sa coaches ang dalaga.

Continue reading below ↓

Si Sarah ang coach ni Jason nang manalo ito sa Voice of The Philippines Season 2 noong 2014.

Panay lang ang ngiti ni Matteo, "Ganun ba? Hahaha!"

WEDDING TALKS NEXT YEAR?

Pero maya-maya pa ay inihayag ni Matteo na umaasa siyang mauwi rin sa kasalan ang relasyon nila ni Sarah.

"Sana, 'no? Twenty-nine years old na ako. Let's see," komento ni Matteo, na halatang nais panatilihing pribado ang usaping relasyon nila ni Sarah.

Sabay hirit ng "Naku! Pag-usapan natin next year.

"Tingnan natin. Pagkatapos ng Pedro Penduko."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli says Sarah Geronimo is close not only to her sister Giorgia (right) but to all of his family members.
PHOTO/S: @isgfan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results