Julia Montes spotted at Greenhills supermarket; trends on Twitter

by Bernie V. Franco
Oct 25, 2019
Photos of actress Julia Montes, taken at a supermarket in San Juan City, circulate on Twitter.
PHOTO/S: Photos lifted from Twitter (CTTO)

“JULIA MONTES IS BACK”

Trending ang mga salitang ito sa Twitter world ngayong Biyernes ng gabi, October 25, matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng 24-anyos na aktres habang namimili sa isang supermarket.

Sa mga larawan, makikitang nakasuot ng white long sleeves at blue denim pants ang aktres na pinabigyan ang mga gustong magpa-picture sa kanya, gaya ng ibang namimili at mga empleyado ng naturang supermarket.

Continue reading below ↓

Sa ibang mga larawan ay makikita si Julia na naka-shades siya.

Mayroon din namang ibang kuha na tinanggal niya ang shades at nakita ang maaliwalas na mukha ni Julia kahit wala itong make-up.

Continue reading below ↓

THE LOCATION

Ayon sa isang tweet ay namili si Julia sa isang supermarket sa Greenhills, San Juan City.

Hindi tiyak kung anong petsa mismo nakunan ang mga larawan.

Sa pagtatanung-tanong ay nakumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sa Unimart Supermarket, sa Greenhills, San Juan City ang establishment kung saan namataan si Julia.

Continue reading below ↓

May nakausap kaming staff member doon at sinabing nakita nga roon si Julia.

Kuha raw ang mga larawan ngayong linggo lamang.

Samantala, hindi magkandaugaga ang fans ni Julia sa pagre-repost ng mga larawan ng aktres.

May ilang tweets naman na nagbanggit tungkol sa panganganak ni Julia.

Continue reading below ↓

Abril 2019 nang napaulat ang panganganak umano ng aktres sa anak nila ni Coco Martin sa isang ospital sa Maynila.

Bagamat inakala ng marami na nasa Germany ang aktres, may source na nagsabing narito lamang sa Pilipinas si Julia.

Hindi rin visible si Julia maging sa social media, bukod na lamang sa panaka-nakang Instagram posts.

Continue reading below ↓

Ang huling ginawang proyekto ng Kapamilya actress ay ang afternoon action-drama teleseryeng Asintado noong 2018.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Julia tungkol sa balitang isinilang niya ang anak nila ni Coco.

Read Next
Read More Stories About
Julia Montes, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Photos of actress Julia Montes, taken at a supermarket in San Juan City, circulate on Twitter.
PHOTO/S: Photos lifted from Twitter (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results