Shaina Magdayao laughs off social media death hoax

by James Patrick Anarcon
Oct 26, 2019
Shaina Magdayao laughs off fake news about her death. The Kapamilya actress returned to social media yesterday, October 25, after more than one month of social media detox and confirmed that she is still alive.
PHOTO/S: @shaina_magdayao on Instagram

Tinawanan lang ni Shaina Magdayao ang kumalat na fake news na siya ay pumanaw na.

Kumalat sa social media kahapon, October 25, na umano'y dead on arrival sa ospital si Shaina dahil sa "hypothyroid."

Ginamit pa ng nag-imbento ng balita ang pangalan ng GMA News bilang website na nagbalita nito.

Continue reading below ↓

Isang linggo bago kumalat ang fake news, lumabas pa si Shaina sa final episode ng pang-umagang teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit, kung saan kabilang siya sa cast.

Bukod dito, matagal na ring hindi nagpu-post si Shaina sa kanyang Instagram account dahil ang huli pa niyang post ay noong September 14.

Subalit kagabi, nagbalik si Shaina sa Instagram at ipinakita sa kanyang followers na siya ay buhay pa, at nag-post ng set of pictorial photos para sa isang bagong proyekto.

Saad niya sa caption (published as is), "Im baaaccckkk! Or should I say, I’m A L I I I I VE [lauging emoji] and oh so ready for SCORP SEASON and my 30th!!!

"How refreshing to be off socmed for a while. Missed you too, IG world!

"Taken a few days ago for something thats coming out SOON!"

Sa November 6 ay magdiriwang si Shaina ng kanyang 30th birthday.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao laughs off fake news about her death. The Kapamilya actress returned to social media yesterday, October 25, after more than one month of social media detox and confirmed that she is still alive.
PHOTO/S: @shaina_magdayao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results