Bigo ang Miss Philippines-Earth 2019 na si Janelle Tee na makapasok sa Top 10 ng Miss Earth 2019 pageant.
Ginanap ang Miss Earth 2019 pageant ngayong hapon, October 26, sa Cove Manila, Okada Manila, Paranaque City.
Hanggang Top 20 lamang ang inabot ni Janelle sa pageant.
Si Janelle, o kilala rin bilang "Kimchi," ay dating co-host ni Willie Revillame sa GMA-7 afternoon variety program na Wowowin.
Samantala, ang representative naman ng Puerto Rico na si Nellys Pimentel ang nagwagi bilang Miss Earth 2019.
Ang ibang Elemental Court titlists ay ang mga sumusunod:
Miss Earth-Air 2019: Emanii Davis - USA
Miss Earth-Water 2019: Kiara Vavruskova - Czech Republic
Miss Earth-Fire 2019: Alisa Manenok - Belarus