Who is Ruru Madrid's fiercest showbiz rival?

Ruru Madrid flattered to be considered one of GMA-7's new batch of crown princes
by Rommel Gonzales
Oct 26, 2019
Who does Ruru Madrid consider as his toughest competitor? "Eventually, I realized na hindi mo kailangang maging competitive sa kung sinumang kalaban mo dun. Kasi better na makipag-compete ka sa sarili mo kesa sa ibang tao and iyon po yung masasabi kong biggest rival ko, yung sarili ko.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ano nga ba ang nararamdaman ni Ruru Madrid kapag sinasabing isa siya sa mga prinsipe ng GMA Network?

Bulalas niya, “Wow! Totoo po ba yun?

“Grabe, nakakataba po ng puso!

"Pero para po sa akin, wala pa po. I mean marami pa po akong kakaining bigas, kumbaga.

“And sobrang dami ko pang kailangan pang patunayan.”

May mga acting awards na siya mula sa iba’t ibang award-giving bodies, at maraming beses na rin siyang nagbida sa mga GMA shows at sa mga pelikula, kaya siguro naman ay wala na siyang kailangang patunayan pa.

Pag-amin niya, “For me po kasi, nakakahiya rin po siyempe sa mga mas nauna pa sa akin, yung mga senior pa sa akin.

“Dahil kumbaga sila yung nilu-look up ko e, sila yung nagsisilbing inspirasyon sa akin para mas magpursigi pa dito sa trabahong ‘to, so nakakataba po ng puso kung iyan po yung sinasabi ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And lagi ko naman pong sinasabi na pinapangako ko sa lahat na gagawin ko po lahat ng makakaya ko para mapatunayan po na kayang-kaya ko po ‘tong ginagawa ko.”

NO RIVALRY WITH MIGUEL

May mga nagsasabing sila ni Miguel Tanfelix ang professional rivals. Nagsimula pa nga sila sa iisang manager dati, ang yumaong si Maryo J. delos Reyes.

Pero dahil may acting awards na si Ruru, napag-iwanan na nga ba niya si Miguel?

Paglinaw niya, “Para po sa akin wala pong kumpetisyon sa aming dalawa ni Miguel kasi una po sa lahat, parehas po kami ng pinanggalingan na manager, si Direk Maryo J. delos Reyes, at kumbaga parehas kaming tinulungan when it comes to our career.

“And ako, I am very happy sa lahat ng mga achievements na natatamo ni Miguel and never kaming nagkaroon ng competition sa buhay.”

NOT COMPETING WITH JERIC

Sino ba ang maituturing ni Ruru na rival niya sa showbiz? Si Jeric Gonzales ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lalo pa nga at pareho silang produkto ng artista search na Protégé.

Lahad niya, “Pero sa amin pong dalawa, wala pong kumpetisyon, dahil nung tatlo na lang kami nila Mikoy [Morales] na natitira nag-usap na kami na parang, ‘O, kahit na sino pa ang manalo, okay na yan.’

“And yun, para po sa amin masaya kami na si Jeric ang nanalo and nagkaroon kami ng iba’t ibang klase ng proyekto.

"Kumbaga, napatunayan po namin na deserved po namin yung final three na yun.”

Busy silang tatlo sa kani-kanilang showbiz career.

Si Ruru ay bida sa Cara X Jagger, si Jeric ay male lead sa GMA drama series na Magkaagaw at si Mikoy Morales ay gumaganap bilang best friend ni Alden Richards sa The Gift.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa mediacon ng pelikulang Cara X Jagger October 23 sa La Chandelle Events Place s Quezon City.

Ang Cara X Jagger ay pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith at ipapalabas sa mga sinehan simula November 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa direksyon ni Ice Adanan, ito ay mula sa APT Entertainment at Cignal Entertainment.

FIERCEST RIVAL

Hindi ba naniniwala si Ruru na mas okay kapag ang isang artista ay may karibal o katapat sa popularidad at iba pang aspeto ng pag-aartista?

“Ako po kasi, sa totoo lang, kahit na nung time na nasa competition ako, competition po yan, so kailangan mong maging competitive.

"But eventually, I realized na hindi mo kailangang maging competitive sa kung sinumang kalaban mo dun.

“Kasi better na makipag-compete ka sa sarili mo kesa sa ibang tao and iyon po yung masasabi kong biggest rival ko, yung sarili ko,” makahulugan niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who does Ruru Madrid consider as his toughest competitor? "Eventually, I realized na hindi mo kailangang maging competitive sa kung sinumang kalaban mo dun. Kasi better na makipag-compete ka sa sarili mo kesa sa ibang tao and iyon po yung masasabi kong biggest rival ko, yung sarili ko.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results