Alexa Ilacad considers Joshua Garcia boyfriend material

by Melba R. Llanera
Oct 27, 2019
Alexa Ilacad (right) on her The Killer Bride co-star Joshua Garcia (left): “I saw kung paano siya noon kay Julia [Barretto] and I see how he is kahit sa ibang mga girls. Kahit nga sa mga guys, mabait siya, very warm siyang tao."
PHOTO/S: Noel Orsal / @alexailacad Instagram

Pinagtawanan lang ni Alexa Ilacad ang tsismis na may lihim silang relasyon ni Joshua Garcia na kasama niya sa teleseryeng The Killer Bride.

“Wala, wala talaga, tinatawanan lang namin,” sabi ni Alexa nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Santigwar nitong nakaraang Huwebes, Oktubre 24, sa Max’s restaurant, Quezon Ave., Quezon City.

Dagdag niya, “Nung una nga, sabi ko, ‘Ha? Talaga ba?’ Talaga naman... mga tao talaga o, creative! Pinagtatawanan lang namin.

“Nanliligaw? No, no. Walang paramdam. Nothing."

Naniniwala si Alexa na ang pagiging parehong single nila ni Joshua at ang mga larawan nila na lumabas ang rason kaya sila na-link ni Joshua sa isa't isa.

Lahad niya, “Especially me, I post from the show, may videos kami behind the scenes na sa amin, laru-laro lang pero sa people, ang tingin na, ‘Uy, parang may something fishy.’”

Continue reading below ↓

SOLID FRIENDSHIP

Boyfriend material ba si Joshua?

Mabilis niyang sagot, “Of course. I saw kung paano siya noon kay Julia [Barretto] and I see how he is kahit sa ibang girls. Kahit nga sa guys, mabait siya, very warm siyang tao."

May nabuo nang pagkakaibigan sa kanila ni Joshua.

Pag-amin niya, “We're close. Nakakabuo na kami ng friendship kasama sina Neil [Coleta], sina Pamu [Pomerada]. So, parang may group na kami."

Nagpapasalamat si Alexa sa suporta sa kanya ni Joshua para sa karakter niya sa serye.

Masaya niyang lahad, “Natutuwa siya, ini-encourage niya ako lagi na, ‘Uy, ang ganda ng role mo, ah!’

"Parang ine-encourage niya ako na laruin ko pa iyung role, galingan ko pa, hanapan ko pa ng ways na magiging interesting.

“For me, that's a big thing. Kasi napakagaling na actor ni Joshua."

NO BASHING FROM JOSH'S FANS

Ikinatuwa rin ni Alexa na di siya nakaranas ng pamba-bash mula sa JoshLia at JoshNella fans kahit na nili-link sila ng aktor.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Actually, mababait yung fans ng JoshLia and JoshNella.

"They are not bashing me as Alexa, they are bashing Luna na dikit nang dikit sa character ni Joshua who is Elias.

"Never pa akong nakakuha ng direct target on me as Alexa.

“Kahit sa solid fans ni Joshua, never silang nam-bash. More on parang nag-a-ask sila, ‘Totoo ba ito?’

“Nagpapa-clarify sila but no bashing, walang masamang salita."

THANKFUL FOR KONTRABIDA ROLE

Masaya si Alexa sa pagtanggap ng publiko sa karakter niya bilang Luna na kontrabida sa The Killer Bride.

Pagpapasalamat niya, “I'm very happy na ako yung kontrabida na tinanggap ng mga tao. Actually, come to think of it, di naman talaga kontrabida si Luna, e.

“Talagang brat lang siya, she says what's on her mind pero at the end of the day, may konsensiya siya. She has a heart, kumbaga.

Continue reading below ↓

“Makikita ninyo siyang naglu-loosen up, di na siya masyadong mataray, naggi-grieve siya sa pagkawala ng kaibigan niya.

“Mas nag-tone down, kasi di naman talaga siya masamang tao."

MOVIE

Launching movie ni Alexa bilang bida ang pelikulang Santigwar.

Aniya, “I'm still so nervous, I'm feeling so many things all at once but most importantly, I feel very blessed.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad (right) on her The Killer Bride co-star Joshua Garcia (left): “I saw kung paano siya noon kay Julia [Barretto] and I see how he is kahit sa ibang mga girls. Kahit nga sa mga guys, mabait siya, very warm siyang tao."
PHOTO/S: Noel Orsal / @alexailacad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results