Jay-Jay Barretto replies to netizens questioning his photos of warring Barretto sisters 

by Rachelle Siazon
Oct 28, 2019
Jay-Jay Barretto (not in photo) addresses netizens speculating on whether or not he's taking sides on the issues involving sisters Gretchen, Claudine, and Marjorie. Seen in the photo are Claudine and Gretchen's bonding moment in June (left) and Marjorie's OOTD photo in March.
PHOTO/S: @claubarretto / @marbarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Tampok pa rin ng espekulasyon ang hidwaan sa pamilya Barretto sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Miguel Barretto, ang ama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Pati ang kapatid nilang lalaki na si Jay-Jay Barretto ay kinukuwestiyon ng ilang netizens kung mayroon itong pinapanigan sa gulo sangkot ang tatlong Barretto stars.

Kanya-kanya ng opinyon ang netizens na tila inaalam kung kanino kampi si Jay-Jay base sa mga litratong ibinabahagi nito sa Instagram.

CLAUDINE AND JULIA IN ONE PHOTO

Noong Sabado, October 26, nag-post si Jay-Jay ng litrato na kuha noon pang burol ng kanyang ama.

Kasama sa litrato ang anak ni Marjorie na sina Julia at Claudia pati na ibang kaanak na abalang nagsusulat ng kanilang love messages para sa yumaong Barretto patriarch.

Naroon din ang bunsong kapatid ni Jay-Jay na si Claudine.

Continue reading below ↓

Tanong ng isang netizen: "Is that claudine yun nakatalikod na nagsusulat sir?"

Sumagot si Jay-Jay ng "yes."

Hindi kaila sa mga nakasubaybay sa sigalot sa pamilya Barretto na inalmahan ni Claudine ang umano'y pananakit at pagmumura sa kanya ni Julia noong gabi ng October 17.

Iyon ang gabing sinasabing nagkaengkuwentro sa burol sina Claudine at Marjorie.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagpatutsada na "ang importante" magbigay ng mensahe ay ang mga anak ni Miguel at "di bale ng mga apo."

Sagot naman ni Jay-Jay (published as is), "sorry ,but i disagree.my dad loved his grandchildren very much."

NOT POSTING PICTURE WITH GRETCHEN?

May nagtanong din kay Jay-Jay kung maayos din ba ang kanyang relasyon sa kapatid na si Gretchen.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin daw na ang tanging ipinu-post na larawan ni Jay-Jay sa kanyang Instagram ay iyong mga naroon sina Claudine at Marjorie.

Dagdag ng netizen, walang picture si Jay-Jay na kasama si Gretchen sa Instagram feed nito.

Depensa ni Jay-Jay, hindi ibig sabihin na wala sa kanyang Instagram feed ay kagalit na niya.

Sabi pa niya sa netizen, "check the posts of claudine. nandun kami with gretch and mum. Pls stop making issues. nananahimik na kame pls."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Jay-Jay ay ang larawan na inilabas ni Claudine kung saan kasama niya sa isang restaurant ang kapatid na si Gretchen at ang kanilang ina na si Inday Barretto.

STILL HOPEFUL FOR A RECONCILIATION

Noong ding October 26, may hiwalay na Instagram post si Jay-Jay ng bunso niyang anak na yakap ni Marjorie.

Continue reading below ↓

Sa comments section, sumagot si Jay-Jay sa ilang mensahe ng netizens na nagsasabing sana ay matapos na ang mga sigalot sa pamilya Barretto.

Heart emoji naman ang reply ni Jay-Jay sa isang netizen na siya ang "magiging daan" upang magkaayos ang mga magkakaaway na Barretto.

Continue reading below ↓

backstory about the WARRING BARRETTO SISTERS

Sina Gretchen at Marjorie ay limang taon nang may hidwaan.

Nitong 2019, lumawig ang isyu sa pagitan nila dahil sa sanga-sangang isyu sangkot ang mga anak ni Marjorie na sina Julia at Dani.

Taliwas ang bersiyon nina Gretchen at Marjorie sa kuwento ng kanilang paghaharap sa burol ng kanilang ama noong gabi ng October 16.

Sina Claudine at Gretchen ay nagkaroon ng hidwaan noong 2013.

Kasagsagan ng hiwalayan ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago nang kampihan ni Gretchen ang aktor.

Pero nitong February 2019, nagkaayos sina Gretchen at Claudine at nanumbalik ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Bago ang mga insidenteng naganap sa burol ng yumao nilang ama, maayos pa sina Marjorie at Claudine.

Hanggang sa naiulat na nagkapisikalan sina Marjorie at Claudine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-Jay Barretto (not in photo) addresses netizens speculating on whether or not he's taking sides on the issues involving sisters Gretchen, Claudine, and Marjorie. Seen in the photo are Claudine and Gretchen's bonding moment in June (left) and Marjorie's OOTD photo in March.
PHOTO/S: @claubarretto / @marbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results