Trans woman Lars Pacheco speaks up about It's Showtime nip-slip incident

by Bernie V. Franco
Oct 28, 2019
Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco speaks up after her wardrobe malfunction on It's Showtime last Friday, October 25.
PHOTO/S: Lars Pacheco on Facebook

Nangamba ang trans woman na si Lars Pacheco, 22, na baka masuspinde ang It’s Showtime bunsod ng hindi inaasahang wardrobe malfunction niya noong Biyernes, October 25.

Sa opening portion ng ABS-CBN noontime show noong Biyernes, aksidenteng nawala sa ayos ang haltered top ni Lars kaya tumambad ang kanyang kaliwang dibdib.

Sa TV ay makikitang right breast ang nakitaan kay Lars.

Pero aniya, mirror image ang kuha sa kanila noon kaya ang talagang nakitaan sa kanya ay ang kaliwang dibdib.

Si Lars ay naging second runner-up sa Miss Q&A 2018, ang contest sa It’s Showtime para sa gay at trans women.

LARS OPENS UP ABOUT NIP-SLIP INCIDENT

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lars, sa pamamagitan ng telepono, ngayong Lunes, October 28, upang kunan ng pahayag tungkol sa insidente.

Kinumusta muna namin siya matapos ang insidente.

“Okay naman po. Okay lang,” sagot niya.

Kasunod nito ay naghayag siya ng saloobin hinggil sa nangyari.

Continue reading below ↓

“Actually, parang nag-worried ako talaga not for myself, kasi ako, okay lang sa akin yun.

“Kumbaga, anytime puwede kong pakalmahin ang sarili ko, puwede kong i-motivate ang sarili ko.

“Pero nagwo-worry ako about the management, kasi baka ako ang maging dahilan ng suspension [ng It’s Showtime].

“Baka biglang magalit si MTRCB," pagtukoy niya sa Movie and Television Review and Classification Board.

Patuloy ni Lars, “Pero nung malaman ko naman po na okay na, humingi na ng public apology si Meme [palayaw kay Vice Ganda], gumaan na po yung pakiramdam ko.”

Pagkatapos ng insidente, kinumusta ba siya ng staff at ng mga host?

“Opo, yes po," sagot ni Lars.

“They were asking if I’m okay. Puro comfort naman po.

“I was expecting na papagalitan ako, pero hindi po. Kinomfort po ako.”

Continue reading below ↓

LARS RECOUNTS MOMENTS BEFORE THE INCIDENT

Kuwento ni Lars, nang mag-o-opening na ang programa, galing siya sa likod ng stage at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan ng mga host na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz dahil sila dapat ang mga kasama niya habang pinapatugtog ang theme song ng It's Showtime.

“I was about to go upstairs pa kasi ang kasama ko dapat sa theme song sina Kuya Jugs and Teddy.

“Hindi po ako sa grupo ni Kuya Kim [Atienza].

“Nung paakyat na ako, sobrang daming tao, nahaharangan ako.

“Hindi na ako umabot na makaakyat, 'tapos tumutok na sa amin yung camera.

"And then, nung nakatutok nasa amin yung camera, doon ako sa tabi ng LED, doon ko nakita yung sarili ko."

MESSAGE TO BASHERS

Hindi na rin daw nagpapaapekto si Lars sa mga basher at nagpakalat pa ng clips at larawan sa nangyaring nip slip sa kanya.

“Actually, medyo embarrassing moment ko na ganoon yung nangyari.

Continue reading below ↓

"But then, yung mga bashers, yung mga nagkakalat, hindi naman ako ganoon kagalit sa kanila.

“Actually, parang it’s their way to get rid of their boring life, na ako yung naging tampulan nila ng pampalipas-oras.

“Pero okay naman po ako ngayon.”

Sa katunayan daw ay mas apektado ang kanyang boyfriend na si Clyde Vivas, na nag-post pa sa Facebook at nanawagan na huwag nang ipakalat ang mga larawan ni Lars.

“Actually, siya yung mas affected, siya yung mas malungkot.

“Until now, malungkot pa rin siya kaya ayaw niyang mag-Facebook masyado, Twitter, dahil marami pa rin siyang nakikitang mga ganoon.

"Pero I tell him naman na makakalimutan din iyan ng tao. Lilipas din iyon.”

Ayon kay Lars, isang taon na sila ng kanyang boyfriend.

Dahil sa nangyari sa kanya, may mensahe rin si Lars sa mga netizen na nagpapakalat ng mga scandal.

“No one has intended that to happen.

Continue reading below ↓

"And to the netizens, if we saw pictures or videos of scandals, let it stop with us, kasi you never know how it feels until you experienced the same scenario.

“So, kung meron man tayong makitang ganoong pangyayari, huwag na nating ikalat pa o huwag na tayong maging instrument pa na napahiya yung tao, ma-embarrass pa lalo, di ba?”

May mensahe rin si Lars sa mga sumusuporta sa kanya,

“And dun naman sa mga nagse-send sa akin ng mga positive message, maraming-maraming salamat sa inyo and nakatulong yun sa akin nang malaki.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco speaks up after her wardrobe malfunction on It's Showtime last Friday, October 25.
PHOTO/S: Lars Pacheco on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results