Alden Richards' fans dismayed over Pia Guanio's alleged blunder on Eat Bulaga

by Rachelle Siazon
Oct 28, 2019
Pia Guanio asks Alden Richards to stop fans from bashing her following her alleged hosting blunder on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Instagram

Inulan ng batikos si Pia Guanio dahil sa isyung naisnab umano si Alden Richards sa Eat Bulaga! noong Sabado, October 26.

Nagsilbing presenter ng award si Alden sa ginanap na Miss Millennial Philippines 2019 Grand Coronation Day ng GMA-7 noontime show.

Kasama ni Alden ang co-presenter niyang si SKAL International Chairman Joseph Lim para mag-abot ng award sa contestant na nanalong second runner-up.

Pero nang tawagin ni Pia ang presenters, tanging si Lim lang ang ipinakilala nito sa audience.

Hindi nabanggit ang pangalan ni Alden.

Kasama ni Pia na naghu-host ng mga oras na iyon sina Dabarkads Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, at Allan K.

Sa parte ni Alden, panay lang ang ngiti nito hanggang sa maabot ang flowers at sash sa nanalong contestant.

Bago makaalis ng stage si Alden, si Paolo ang pahabol na nagsabing "And thank you rin, Alden!"

Continue reading below ↓

Sa Twitter, hindi napigilang mag-react ni Leysam Sanciangco, handler ni Alden mula sa GMA Artist Center.

Kalakip ang isang emoji na napahawak sa noo, tweet ni Sam:

"Di man lang binangit haha! parang pahabol na lang ah?"

TWEETS OF ALDEN'S FANS

Kasabay nito ay dumagsa ang tweets mula sa fans ni Alden na dismayadong hindi man lang daw na-acknowledge ang presence ng Kapuso actor sa noontime show.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung nakalimutan ni Pia na banggitin ang pangalan ni Alden o kung wala talaga ito sa binabasa niyang cue card.

Pero ayon sa netizens, "kitang-kita" raw si Alden na katabi ng co-presenter nito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PAOLO BALLESTEROS ACKNOWLEDGES ALDEN

May mga netizen ding nakapansing si Alden din ang co-presenter para sa nanalong first runner-up ng Miss Millennial Philippines.

Si Paolo ang tumawag ng award presenter na si Stephanie Cruz, vice-consul ng Philippine Embassy sa Myanmar.

May hawak at binabasang cue card si Paolo, na diretso na sanang babanggitin ang premyo ng nanalong second runner-up.

Continue reading below ↓

Pero maagap na banggit ulit ni Paolo, "With Alden Richards pala!"

PIA'S MESSAGE TO ALDEN'S FANS

Pagkatapos ng show, tila nakarating kay Pia ang reklamo ng ibang fans ni Alden.

Nag-post si Pia ng kanyang OOTD sa Instagram kalakip ang maiksing mensahe para kay Alden at sa fans ng aktor.

Continue reading below ↓

Ani Pia, "Hi @aldenrichards02 ! Please tell your fans not to get mad na! wag na mag away! God bless you all!!"

Lalong ikinainis ng ibang fans ni Alden ang umano'y kawalan ng maayos na paliwanag mula kay Pia.

Sabi ng isang netizen, "Ms Pia Guanio, when you make a mistake, whether it's deliberate or not, you give an apology and an explanation.

Continue reading below ↓

"Not ask the one insulted to clean up your mess."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kung wala man daw sa cue card o prompter ang pangalan ni Alden, responsibilidad umano ni Pia bilang TV host na maging listo sa pagbitaw ng spiels.

At press time, burado na sa Instagram caption ni Pia ang mensahe niya para kay Alden at sa fans ng aktor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Guanio asks Alden Richards to stop fans from bashing her following her alleged hosting blunder on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results