Gretchen Barretto parties with Tonyboy Cojuangco, Atong Ang amid "powerful boyfriend" issue

by Rachelle Siazon
Oct 29, 2019
Gretchen Barretto (left) shows party photos with longtime partner Tonyboy Cojuangco (center) and "spokesperson" Atong Ang (right).
PHOTO/S: @juansarte Instagram / CTTO / TV Patrol

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi nagpatinag si Gretchen Barretto sa kabila ng isyung may relasyon siya diumano sa negosyanteng si Atong Ang, kahit sila pa ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, October 29, ipinakita ni Gretchen ang ilang larawan na kuha sa dinaluhan nilang party ng CATS Motors chairman na si Felix Ang.

Sa video ni Gretchen, makikitang nag-perform bilang gitarista si Tonyboy kasama ng isang banda.

Continue reading below ↓

Naglagay rin si Gretchen sa Instagram Stories ng litrato ni Atong, na itinuturong "powerful boyfriend" niya diumano.

Kalakip nito ang written text ni Gretchen na nagsasabing si Atong ang kanyang "Newly hired spokesperson."

Dinagdagan pa ito ni Gretchen ng shocked emoji.

Lumalabas na pasaring ito ni Gretchen sa kontrobersiyal na alitan nila ng kapatid niyang si Marjorie Barretto at pamangking si Nicole Barretto.

Continue reading below ↓

GRETCHEN'S ALLEGED AFFAIR WITH ATONG

Tahasang inamin ni Nicole na dati niyang karelasyon si Atong at inagaw raw ito sa kanya ng tiyahing si Gretchen.

Saad ni Nicole patungkol kay Gretchen: "I'm stating the fact that my own aunt stole my boyfriend."

Ang nakababatang kapatid ni Gretchen na si Marjorie ang nagpatunay na limang taon umanong nagkarelasyon sina Nicole at Atong.

Saksi rin daw si Marjorie kung paano pinasakitan diumano ni Gretchen si Nicole matapos agawin si Atong dito.

Tahasan ding inamin ni Marjorie na si Atong ang tinutukoy niyang "powerful boyfriend" diumano ni Gretchen na kinakatakutan ni Marjorie matapos niyang mapilitang magsalita tungkol sa away nila ni Gretchen.

GRETCHEN, ATONG AIRPLANE PHOTO

Hindi rin kaila sa publiko ang lumabas na viral photo nina Gretchen at Atong, kung saan makikitang pareho silang tulog at magkahawak ang kamay habang sakay ng eroplano.

Continue reading below ↓

Nanindigan si Gretchen na "nothing wrong with these photos” dahil pareho raw silang tulog ni Atong at "fully clothed" naman daw sila.

Humarap din si Atong sa live interview ng TV Patrol at nanindigang wala silang relasyon ni Gretchen.

Paliwanag ni Atong, walang malisya ang larawan nila ni Gretchen dahil "parang kapatid" na raw ang turing niya sa aktres.

"Eto kasi yung rules nila ni Tony sa family nila.

"Sabay silang nagtata-travel, pero hiwalay sila ng eroplano. Iisa ang anak nila.

"Baka madisgrasya yung eroplano, baka may mangyari sa isa kaya palaging hiwalay.

"Si Gretchen kasi very close sa akin, parang kapatid ko talaga iyan."

Dagdag pa ni Atong, magkakasosyo sila nina Gretchen at Tonyboy at madalas ding magkakasamang mag-travel.

GRETCHEN, TONYBOY, ATONG UNFAZED BY CONTROVERSY?

Ang pagharap na ito ni Atong sa national television ang dahilan kung bakit nasabi ni Gretchen na ito ang bago niyang "spokesperson."

Nang humarap kasi si Atong sa TV Patrol noong October 24 ay nasa San Francisco, California, USA si Gretchen upang magbakasyon at "magpaalaga" sa anak nitong si Dominique Cojuangco.

Continue reading below ↓

Kababalik lang ni Gretchen sa Manila at nakahabol sa dinaluhang party kagabi.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) shows party photos with longtime partner Tonyboy Cojuangco (center) and "spokesperson" Atong Ang (right).
PHOTO/S: @juansarte Instagram / CTTO / TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results