Samantha Lo posts message following loss in Miss Grand International 2019

by Bernie V. Franco
Oct 29, 2019
Samantha Lo to her supporters: “Letting me know that I am not doing this alone, that I am loved and I have inspired, that I am special. To these people I want to say thank you for your love and compassion, you have inspired me to keep fighting. I am the product of your butterfly effect.”
PHOTO/S: @samantha_ashley_lo

Isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo sa Instagram kasunod ng hirap na pinagdaanan niya para makaabot sa Miss Grand International 2019 pageant.

Sa kabila ng matinding pinagdaanan, nabigo si Samantha na makapasok kahit man lang sa Top 20 ng international beauty pageant na ginanap sa Caracas, Venezuela noong Biyernes, October 25 (Venezuelan time).

Ipinost ni Samantha ang kanyang two-part message ngayong Martes, October 29.

Ayon sa beauty queen, marami ang nakakaalam ng kanyang istorya dahil sa mga lumabas na balita, pero kakaunti lang ang nakakaalam ng hirap na kanyang dinanas.

Pahayag ni Samantha (published as is):

“It is safe to say that thousands know the story of what happened to me along my journey to the crown but only a handful know the thoughts and feelings I experience everyday.

“Thoughts and feelings that barge into my head everyday like uninvited guests making themselves at home and turning everything upside down and scattered in the process.

Continue reading below ↓

“The fear that someone is going to take me and the thought that ‘I am a failure’ are the two most common uninvited guests that love to show up frequently during the day.”

Pero malaki raw ang pasasalamat niya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

“But there was a new guest that showed up, and they showed up by the hundreds of thousands.

“Physical people, from around the world, warmly embracing me with words of kindness.

“Letting me know that I am not doing this alone, that I am loved and I have inspired, that I am special.

“To these people I want to say thank you for your love and compassion, you have inspired me to keep fighting. I am the product of your butterfly effect.”

Pagkatapos nito ay isa-isang pinasalamatan ni Samantha ang mga tao at organisasyon na tumulong sa kanya.

“Philippines, its been a hell of a ride. I'll see you on the next one.

Continue reading below ↓

“Your Miss Grand Philippines 2019, Samantha Ashley Lo”

SAMANTHA THANKS BPCI

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Ashley ay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), kahit nagkaroon siya ng hidwaan dito.

Ani Samantha: “To Madam Stella Araneta, thank you for trusting me to carry the title of Binibining Pilipinas Grand international, for seeing my potential to perform in this competition.”

Naging kontrobersiyal si Samantha matapos mapaulat na na-detain siya sa Charles de Gaulle Airport sa Paris at hindi nakakuha ng flight papuntang Caracas, Venezuela dahil sa kanyang fake passport.

Ikinadismaya rin ng pageant fans ang hindi pagbibigay ng update ni Samantha tungkol sa kanyang sitwasyon.

Hanggang sa lumabas ang impormasyong napilitang bumalik sa Pilipinas si Samantha matapos ang aberya sa Paris airport.

Nagparamdam na lamang siya noong October 20, nang makalapag sa Venezuela, at ibinunyag ang hirap na pinagdaanan.

Sinisi pa niya ang national pageant organizer dahil hindi raw siya tinulungan sa kanyang problema.

Continue reading below ↓

Inalmahan naman ito ng BPCI at naglabas ng official statement sa kaso ni Samantha.

Itinanggi ng BPCI ang paratang ni Samantha na walang ginawa ang organisasyon para tulungan siya sa kanyang problema.

Binanggit din ng BPCI na sinubukan nilang mag-reach out sa beauty queen matapos madiskubreng nakakuha siya ng fake passport sa pamamagitan ng isang “fixer.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Lo to her supporters: “Letting me know that I am not doing this alone, that I am loved and I have inspired, that I am special. To these people I want to say thank you for your love and compassion, you have inspired me to keep fighting. I am the product of your butterfly effect.”
PHOTO/S: @samantha_ashley_lo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results