James Reid thumbs down possibility of working with Julia Barretto

by Arniel C. Serato
Oct 30, 2019
James Reid on Julia Barretto: "Let's make life easy."
PHOTO/S: James Reid Instagram / Julia Barretto Instagram

Wala raw posibilidad na makatrabaho ni James Reid ang dating na-link sa kanyang si Julia Barretto.

Sa panayam ni Boy Abunda sa TWBA (Tonight With Boy Abunda) Dressing Room Exclusive! kagabi, October 29, "Games Over Reid" ang sinagot ng aktor nang matanong tungkol sa posibilidad na magkasama sila ni Julia sa isang proyekto.

Sa "Games Reid" or "Games Over Reid" segment ng talk show ng ABS-CBN, nagpakita si Boy ng ilang mga larawan ng Kapamilya actresses na maaari niyang makasama in his future projects.

Paliwanag pa ni Boy, "'Games Reid' is okay, while 'Games Over Reid' is no.

"You wanna work with them or not. And maybe you can tell us why."

Unang ipinakita ang larawan ni Yassi Pressman, na dating kasama ni James sa Viva Entertainment.

Mabilis na "Games Reid" ang sagot ni James dito.

Ganun din ang sagot niya sa iba pang Kapamilya stars na sina Janella Salvador, Liza Soberano, at Kathryn Bernardo.

Continue reading below ↓

Ngunit nang ipakita ang larawan ni Julia, sagot ni James, "Games Over."

Dagdag pa niyang paliwanag, "There's too much noise when it comes to fans and stuff.

"I have no problem with her.

"It's just too much noise.

"Let's make life easy."

Isang malaking kontrobersiya ang nilikha noon nang malitratuhan ng netizens sina James at Julia sa isang bar sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Noong mga panahong yun, karelasyon na ni James si Nadine Lustre, kaya naman ikinagalit ng JaDine ang sighting ng dalawa.

JAMES ON LOVE TEAMS: "OLD FORMULA"

Masaya naman si James na may bago siyang proyekto kasama ang miyembro ng K-pop girl group Momoland na si Nancy McDonie.

Ito ang upcoming series na Soulmate na pamamahalaan ni Direk Antoinette Jadaone.

Pero nakiusap si James sa fans nila ni Nadine na huwag bigyan ng kulay o anumang pagkakaugnay ang kanilang proyektong ito ng K-pop star.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "That's so old, it's such an old formula, trying to tie them together to get people to watch the show.

"I mean, it's like 2019, people should let artists work together for the sake of working."

Sabat ni Boy, "But it works..."

Diin ni James, "Yeah, but we move away from that.

"It's not healthy.

"No, we should move away from it."

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si James sa mga tagasuporta niya at maging sa bashers.

Saad niya, "My fans, even the bashers.

"Thank you for making my life so interesting.

"It would be so boring without you."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid on Julia Barretto: "Let's make life easy."
PHOTO/S: James Reid Instagram / Julia Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results