Aliw na aliw ang netizens nang idaan sa biro ni Kim Atienza ang reaksiyon sa fangirling photo ng kapwa It’s Showtime host na si Anne Curtis kasama ang Korean actor na si Gong Yoo.
Miyerkules, October 30, nang kumalat online ang video ng Preview.ph sa paghaharap—finally—ni Anne at ng ultimate crush niyang bida sa Korean drama na Goblin.
Nagkita ang dalawa sa store opening ng Louis Vuitton Maison sa Seoul, South Korea, nitong Miyerkules.
Hindi naman napigilan ni Anne ang kilig sa pambihirang encounter na iyon, dahil matagal na niyang pinangarap makaharap nang personal si Gong Yoo—na hinahangaan niya simula 2017.
Sa video sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules, tinawag ni Anne ang sarili na “the happiest girl ever.”

Kinikilig pang dagdag niya, “I think you guys know why.”
Kaugnay nito, kasama rin ang litrato nina Anne at Gong Yoo sa Instagram Stories na ipinost ng Korean actor ngayong Huwebes, October 31.

KUYA KIM’S HILARIOUS REACTION
Kasunod nito, idinaan ni Kuya Kim sa Twitter ang pabirong reaksiyon niya nang i-retweet ang litrato at artikulo ng Preview.ph tungkol sa paghaharap nina Anne at Gong Yoo.
Tweet ni Kim (published as is): “always nice to see you @annecurtissmith sana huwag ka magsawa sa akin.”
always nice to see you @annecurtissmith sana huwag ka magsawa sa akin. https://t.co/vciseZmXiO
— kim atienza (@kuyakim_atienza) October 30, 2019
Dagsa naman ang reaksiyon ng Twitter followers ng Matanglawin host na natawa sa kanyang biro, at may mga sumang-ayon na kahawig nga niya ang Korean actor.






May nagbansag pa kay Kuya Kim na “Gong Yoo ng Pilipinas.”

Nag-trending pa nga ang “Kuya Kim” sa Twitter Philippines kahapon ng umaga.

May kaparehong post din si Kuya Kim sa Instagram nitong Miyerkules.
Caption ni Kuya Kim sa litrato nina Anne at Gong Yoo: “I finally met you in person @annecurtissmith ! Nice to meet you. huwag ka magsawa sa akin. #kuyakimshin.”
View this post on Instagram
Kinaaliwan ng kapwa celebrities ang naturang post ni Kuya Kim sa Instagram, kasama na ang co-hosts nila ni Anne sa It’s Showtime na sina Karylle, Amy Perez, at Ryan Bang.


“KALOKALIKE”
Matagal nang biro ni Kim ang paghahawig sa sarili kay Gong Yoo, na tinatawag niyang “kalokalike,” simula nang ma-interview niya ang Korean actor noong 2017 sa Hong Kong.
Sa Instagram post ni Kuya Kim noong May 5, 2017, magkatabi at kapwa malapad ang pagkakangiti nina Gong Yoo at Kuya Kim habang mayroon silang matching Safari hats.
Post noon ni Kuya Kim: “Eto na! Walang Photoshop, walang edit. Me and my kalokalike #gongyoo #kuyakimshin #matanggoblin #weekannedwithgongyoo @matanglawintv @viuphilippines.”
