PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Indie actor Genesis Gomez relates difficulties portraying comatose character

Indie actor Genesis Gomez relates difficulties portraying comatose throughout the film Guerrero Dos
by Rommel Gonzales
Published Nov 1, 2019
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nahirapan ang indie actor na si Genesis Gomez sa pagganap bilang comatose sa pelikulang Guerrero Dos (Tuloy Ang Laban).

Nakahiga siya at walang dialogue sa kabuuan ng pelikula.

“Physically, mas nahirapan ako dito sa Guerrero Dos. Kasi, during the shoot, nakahiga ka lang, tapos nakatapat sa iyo yung ilaw. Tapos, sobrang init sa room.

“Unlike doon sa Guerrero 1 na may boxing, parang, patakbu-takbo ka, pagalaw-galaw ka, mas nae-exercise ka.”

Natatawang sinabi ni Genesis na nakakangalay raw na lagi kang nakahiga sa hospital bed sa lahat ng eksena.

“Ang hirap, sobrang hirap siya physically. Tapos, naririnig mo yung mga co-actor mo, parang gusto mo ring mag-deliver ng linya, e.”

Mas madali raw sana kung may speaking lines siya at paggalaw sa pelikula, na nagawa niya sa part 1 ng Guerrero na napanood sa part 2 bilang flashback scenes.
Ipinalabas noong 2015 ang part 1 ng Guerrero.

“Itong Guerrero Dos, ipinakita kung ano ang nangyari between five years, especially kung paano na-overcome ni Miguel na na-coma yung kuya niya, tapos kung paano nawala yung nanay nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap namin si Genesis sa premiere ng Guerrero Dos (Tuloy Ang Laban) nitonh October 29 sa Cinema 4 ng SM Megamall.

Sa direksyon ni Carlo Ortega Cuevas, bida sa Guerrero Dos (Tuloy Ang Laban) si Julio Cesar Sabenorio (bilang Miguel).

Nasa cast din sina Mia Suarez, Art de Guzman, Victor Neri, Elizabeth Aguilar, Joyselle Cabanlong, Kyle Banson, Dahlia Talavera, at Norman Perez.
Prinodyus ito ng EBC Films.

May plano ba si Genesis na “tumawid” sa mainstream films?

“So far, masyado kaming focused sa EBC Films. Then, at the same time, marami pang plano ang EBC Films para sa amin.”

Isa ring direktor si Genesis. Siya ang direktor ng short film na ginawa ni Julio ilang taon na ang nakalilipas.

Si Genesis ang nagrekomenda na pagbidahin ang child actor sa Guerrero movies.

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa directing o sa acting?

“Actually, yung pagdidirek kay Julio, meron kasi kaming parang internal film festival, iyong INCinema which is puro amateur yung sumasali, pero during the that time, nakita kong sobrang galing ni Julio!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nung naghahanap na sila ng Miguel, parang naibulong ko kay direk, na i-try niya.”
Ang INCinema ay film production arm ng Iglesia Ni Cristo.

May part 3 ba ang Guerrero?

“Siguro, may part 3. As you can see, parang hindi pa siya totally tapos. Kasi, hindi pa rin nagkikita totally ang magkapatid.”

Kung may offer na mainstream movie ay tatanggapin ni Genesis.

“Pagdating diyan, open naman kami sa mga opportunity pero since Iglesia kami, ano lang... as long as walang lalabag sa doktrina namin.”

Paboritong artista ni Genesis ang mga kapatid niya sa Iglesia Ni Cristo na sina Ruru Madrid, Richard Quan, Jon Lucas, at Victor Neri.

“Lahat ng mga artistang mga Iglesia, nakikita namin, sobrang busy sa career pero pag may activity kami, present sila.

“So, sobrang nakakabilib,” ang nakangiting bulalas pa ni Genesis.

Read Next
Read More Stories About
hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results