Masaya maging "fangirl" pero kadalasan ay hindi ito laging madali.
Karamihan sa mga hardcore fans ng mga sikat na celebrities ay sanay nang maghintay ng ilang oras sa iba't ibang lugar gaya ng TV studio, location shooting o movie premiere, para lang makita ang kanilang mga idolo nang ilang saglit.
Ito ang isa sa mga naranasan ni Liza Soberano noong siya'y dumalo sa Love Yourself concert ng K-Pop group na BTS nitong nakaraang October 27, 2019 sa Seoul Olympic Stadium, South Korea.
Inilahad ni Liza sa kanyang Instagram post noong October 31 ang ilan sa dinanas niyang pagsubok makita lamang ang kanyang mga idol.
Dahil dito, lalo niyang naintindihan ang tunay na kahulugan ng "fangirling"—isang salita na ayon sa merriam-webster.com ay "to exhibit fandom often to an excessive degree."
Ipinaalala rin nito sa kanya ang pagsisikap na ginagawa ng kanyang fans para lang makita siya.
Aniya, "Some of my favorite moments from LY: Speak Yourself the finale [purple heart emoji]
"This trip and experience has given me a deeper meaning and appreciation to what 'fangirling' is.
"While waiting in line for many hours out in the cold with nothing to eat and nowhere to sit, I started thinking about my fans and what they have to go through just to get a glimpse of me."
Siya rin ay lubos na nagpapasalamat sa kanila, na tinawag niyang "most loving and understanding people."
Sabi ni Liza, "Words can never express how grateful I am to each and every one of you.
"I’m proud to be a fan of such talented people and I’m proud to have fans who are the most loving and understanding people I’ve ever met.
"I’ve got the best of both worlds [purple heart emoji]"
Ang BTS concert na dinaluhan ni Liza ay isang 3-day event na ginanap noong October 26, 27, at 29, 2019 sa homeland ng world famous K-Pop group.
Ito ay nagsilbing finale ng Love Yourself World Tour ng grupo na nagsimula noong May 4, 2019 sa Los Angeles, California.